Kabanata 44 (Warning)

773 16 0
                                    

Kabanata 44: Aia's Pov 




“You’re so pretty. You look like your mother,” ang malambing na boses na bumungad sa pandinig ko. 

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Kulay kremang kisame ang una kong nakita. Hindi agad pumasok sa utak ko ang nangyari kung bakit ako nandito. 

“Oh, you're awake.” Ang pamilyar na boses ng babae. 

Bumaling ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses. Karga-karga niya ang anak ko. Parang gusto kong bumangon at agawin sa kaniya ang anak, sa pangambang may gawin siya. Pero hindi ako makakilos masyado dahil masakit ang ibaba ko at parang binabawi pa ng katawan ko ang dating lakas nito. 

Napalinga-linga ako. Walang ibang tao kundi kaming dalawa lang ng babae at ang anak ko. Matipid siyang ngumiti sa akin. Maingat niyang binalik ang baby sa higaan nito. 

“Don't worry, I won't hurt your baby.” Lumakad siya palapit sa akin. Tumigil siya sa tabi ng kama ko. 

“Nasaan sila?” 

“Uhm, sa pagkakaalam ko… kausap ng asawa mo ang doctor. Ang kapatid mo naman ay pumasok na sa trabaho, at iyong panganay mo ay pauwi pa lang galing school. Kasama iyong bunso mong kapatid.” 

Napakurap-kurap ako sa babae. Ibang-iba ito sa ugali niyang pinakita niya sa akin noon. Hindi na siya mataray tingnan, at iyong mga salita niya ay maayos na… hindi na nakaka-offend. 

“It's so nice to see you again, Aianna.”

“Glianne…” Wala akong masabi. Pati ang ayos niya ay hindi na rin nakakaintimidate ang dating, pero elegante pa rin. 

“Oh!” Tumawa siya. “It's a long story! Basta, ayon nabaliw ako ten years ago kasi hindi nasuklian ni Euriandrei ang pagmamahal ko sa kaniya, crazy right? And five years ago, gumaling ako at nangibang bansa. Nabalitaan ko pa ‘yong kasal niyo, your husband invite me but I declined it. I know… sobrang laki ng kasalanan ko sa inyong dalawa. Pasensya na kung… ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para humingi ng tawad.”

Nakamaang lang ako habang nakikinig sa kaniya. May parte sa akin na hinahaplos ang puso ko sa pagiging sinsero niya. May mga gusto akong sabihin pero hindi ko masabi. 

“I'm sorry, Aianna, for everything…” Masigla ang boses niya kanina, ngayon ay lumungkot na, nanubig din ang mga mata niya. “Kung hindi dahil sa akin… walang ala-alang mawawala, walang Nanay na mawawala, at hindi sana nawala ang tiwala sa akin ng taong sobrang importante sa buhay ko.” 

Huminga siya ng sobrang lalim at tumingala pero nagbagsakan na ang luha niya. 

“Ayo'ko muna sanang sabihin ito sa'yo ngayon, kasi kapapanganak mo lang. Baka mapano ka sa katangahang ginawa ko noon.”

“Sige lang, Glianne.” Tinanguan ko siya. 

“Aia… k-kagagawan ko ‘yong aksidente noon. Nag-hire ako ng tao para salubongin ang sasakyan ni Euriandrei. I was so desperate. Gusto kong makalimot siya, makalimutan ka niya. Kasi mahal na mahal ko talaga siya noon. Hindi niya alam noon na gano'n na ako kabaliw sa kaniya noon.” 

Umawang lang ang labi ko, halo-halo ang nararamdaman ko. Pero lahat iyon, isinantabi ko para pakinggan siya. 

“Karma ko ‘yong nabaliw ako dahil sa sobrang guilty. I'm so sorry talaga, Aia.” Umiiyak na siya, ang nanginginig niyang kamay ay kinuha ang kamay ko. “I caused you so much pain. Pinaglayo ko kayo ni Euriandrei, pero at the end of the day… kayo pa rin talaga ang para sa isa't isa. Nagseselos pa rin ako at naiinggit sa'yo, Aia, pero tanggap ko na lahat. Ang gusto ko lang ay mag-sorry sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko sa inyong dalawa. Pinagsisihan ko na iyon, pero… hindi ko na hihingin na mapatawad niyo pa ako. Kasi kahit ang sarili ko, hirap na hirap na patawarin ako.”

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now