Kabanata 45 (Warning)

980 15 0
                                    

Note: Ito na po ang huling kabanata. Wakas na po ang susunod (Euriandrei's Pov). Salamat po sa pagbabasa!

Kabanata 45: Aia's Pov 

“Euriandrei, ‘yong dede!” 

Sinabayan ko ng kanta ang pagtapik-tapik ko sa hita ni baby Euraianna. Hindi natuloy ang iyak ng anak ko sa pagkanta-kanta ko. Nagising kasi dahil sa katarantaduhan ng ama. Isang taon pa lang ang bunso ay nilalandi na ako. Ginigilingan ako, nang hampasin ko ay umatras; ayon at katumba kasama ng coffee table. Bote iyon kaya nabasag. Ang kalat-kalat na tuloy ng master's bedroom! 

“Heto na.” 

Inabot niya ang dede sa akin. Muntik ko ng mabitawan dahil sa init. “Sira ka ba? Papasuin mo ang anak mo?”

Napakamot siya sa ulo. “Eh, hindi ako marunong ng maligamgam.” 

“Tss.” Binigay ko sa kaniya ang anak niya at inagaw ang dede. 

“Gising na ang baby princess ko na ‘yan…” 

Binalikan ko siya at binatukan. “‘Wag mong gisingin, may magluluto pa ako. Si Franciel pauwi na ‘yon.” 

Napawi ang kunot ng noo ko nang dinukwang niya ako ng halik sa labi. Argh! 

“Ako na ang magluluto,” aniya. 

Nagbuntong-hininga ako at umalis na. Pagbalik ko ay hiniga na ni Euriandrei ang anak niya sa crib, tulog na tulog na. Basta, kapag siya ang nagpapatulog sa anak, madami lang mapatulog. Samantalang ako ay pahirapan kasi kailangan ng dede. Sunday ngayon, wala siyang pasok sa trabaho. Si Franciel ay sinama ni Fidell sa apartment nila ng ate Aifrell niya. Last year, lumipat silang dalawa sa isang apartment, isang bus at jeep ang sasakyan papunta roon. Gusto nilang bumukod. Hindi rin nga tinanggap ‘yong katapat na bahay na bibilhin sana namin ni Euriandrei para sa kanila, kung gusto talaga nilang bumukod. 

“Ako na ang bahala sa pagpapaaral kay Fidell, Ate. Magbibisita na lang kami kapag pareho kaming walang pasok. Salamat sa lahat, Ate. Mahal na mahal ka namin.” 

Wala na rin kaming nagawa na mag-asawa kundi ang hayaan sila. Kapag ako naman ‘yong may free time ay kami ang pumupunta sa kanila. Napansin ko lang, na parang nag-iiwasan sila ni Euriciel. 

“Tulog na siya, magluluto na ako. Saka mo na lang padedehin kapag nagising,” sabi pa niya, bininilinan ako. 

Ako ang ina. Nakakapagtampo itong baby ko, ah. 

“Sige na, magpahinga ka na diyan. Puyat ka kagabi.” 

Napanguso ako. Hinalikan niya pa ang nakanguso kong labi bago umalis. Puyat na puyat talaga ako kagabi, pero siya rin naman, kasi madaling araw na ng nakatulog si baby. Naglaro sila buong gabi. Sinubukan kong matulog pero ayaw pumikit ng mga mata ko. Bumangon ako at kinuha ang laptop. Search, search. 

Nabo-boring ako kapag nandito lang sa bahay tapos walang ginagawa. ‘Yung business ko sa probinsya ay sarado na no'ng lumipat kami rito sa Maynila. Kaya naisip ko na… ipagpatuloy ko kaya rito? Para naman may mapagkaabalahan kami ni Euraianna. 

Abala ako sa paghahanap ng gagawin kong supplier ng melon at ube na gagawin kong shake, at tinapay; nang bumukas ang pinto. Dahan-dahang sumilip doon si Franciel. 

“Mom.” 

Sinara ko ang laptop ko at tumayo. Saktong gumalaw ang natutulog na bata, naamoy na siguro ang Kuya niya. Ganiyan ‘yan siya, sa tuwing natutulog siya at kapag dadating si Franciel ay magigising na siya. 

“Sabi ni Daddy natutulog si baby.” Natawa ito nang gumulong padapa ang kapatid at sa kaniya agad bumaling. Ayan na, gising na gising na siya. 

“‘Kita mo naman, gising na.” Pagbuntong-hiningang sabi ko at natawa na lang din. 

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now