Sample Story : ( Unedited )

149 1 0
                                    


ANAK SA LABAS
Kabanong

Kabanata 1 - Ang Pamilya Ventura

Kilalanin niyo na lang po ako sa pangalang Roman.

Kilala ang pamilya namin bilang isa sa pinakamayamang angkan sa Negros noon. Wala pa man ako sa mundo, talagang gintong kutsara na ang ginagamit ng mga kamag anak ko. Dahil sa nagpasalin salin na ang yaman mula sa pinaka unang henerasyon hanggang sa amin, masarap ang buhay na tinatamasa namin ngayon.

Hindi naman sa pagmamayabang kabanong, pero sa dami ng pera namin, minsan ay hindi ko na rin alam kung papaano gagastusin.

Pangatlong anak ako sa aming tatlong magkakapatid. Puro kami lalaki. Dahil sa ako ang bunso, madalas na ako ang pinapaboran ni Papa. Sa katunayan, pagkatapos ko ng college, hindi na nila ako pinagtrabaho. Kumbaga, pasarap na lang ako sa buhay. Nasa bahay lang palagi at kung minsan ay lalabas para lang gumala.

Isang hapon, nabulabog ang kalooban namin nang makarinig ng mga sigaw sa labas. Boses iyon ng babae. Nag pupumilit na makapasok sa mansyon.

Bumaba ako. Nagkasabay kami ni Kuya Rolen sa hagdanan.

Ako : Ano bang ingay yon? Pambihira natutulog ako e.

Rolen : Baka babae na naman siguro ni Papa.

Pagbaba namin ng sala ay nasilip namin sa labas ang isang babae na pilit hinaharangan ng mga gwardya namin.

Rolen : Di ba? Sabi sayo e.

Ako : Si Papa naman kasi ang daming babaeng kinakana e. Tingnan mo, pangatlong babae na yan na nag pupunta rito.

Rolen : Magpasalamat na lang tayo kasi hindi naman binubuntis ni Papa. Naku, hindi ko talaga matatanggap kapag may kapatid tayo sa labas.

Ako : Teka, bakit ka nandito sa bahay? Wala ka bang trabaho sa kumpanya?

Rolen : Nag file ako ng leave, isang buwan. Gusto kong mag relax. Bahala na muna yung magaling nating panganay ang maghandle ng lahat.

Natuon ang atensyon namin sa babae nang muntikan na itong makapasok ng gate. Buti na lang ay nahawakan siya sa damit ng dalawang matangkad na gwadya.

Babae : Don Rodelio! Sabi mo papakasalan mo ako! Sinungaling ka! May ibang babae ka rin pala!

Natawa na lang kami ni Kuya Rolen.

Naging babae si Papa mula nang mamatay sa sakit na kanser ang nanay namin. Sabi niya noon, hindi na siya magseseryoso sa pag ibig. Si Mama lang daw kasi ang nag iisa niyang minahal.

Ako : Siguro kung nabubuhay si Mama ngayon, kawawa yang babaeng yan.

Rolen : Common sense bro, kung buhay si Mama, walang babae si Papa.

Ako : Sabagay may tama ka.

Umupo na lang kami sa sofa. Dumukot ng sigarilyo si Kuya sabay hithit buga.

Rolen : Ikaw, anong balak mo sa buhay?

Ako : Sa ngayon wala pa.

Rolen : Sarap ng buhay mo e noh?

Ako : Malamang, bunso e.

Rolen : Tanga, wag kang masyadong matuwa kasi wala kang ginagawa, kapag dumating yung araw na kailangan mo nang mag trabaho, wala kang alam. Baka hindi ka pa nga tanggapin sa kumpanya natin kapag nag apply ka e.

Ako : Edi hindi ako mag-aapply sa kumpanya natin, simple lang naman.

Rolen : Sus, walang kwenta. Siya nga pala, may gagawin ka ba ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOR REFERENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon