Prologue

4 0 0
                                    

       “Magandang hapon po,ako nga po pala si Jolina fleur o pwede niyo naman po akong tawaging Lina,Jol,oli,Ina o nana”.sambit ko habang binibilang pa ang napakaraming palayaw sa akin maliliit na daliri ng aking mga kalaro.

bakit kasi ang rami kong palayaw sa kanila,pwede namang isa nalang” ungot ko sa aking isipan habang nakanguso.habang iniisip ko kung ano pa nga bang sasabihin ko sa kanila ang sabi lang naman ng guro namin  ay mag pakilala..

Ahh alam kona?!padiyak ko na tila ba'y naka-isip ng napakagandang plano..

“At wag niyo din po akong tatawagin sa pangalawa kong pangalan dahil si Lola Eliana lang po ang tumatawag sa akin ng ganun ha”.
Pag-papatuloy ko habang nakaturo sa aking mga ka ka-klase ang aking isang daliri na para bang inu-utusan sila..

Ngayon ay huminga na ako ng malalim bago ko simulang basahin ang aking tula na rason kung bakit Ako nasa harapan Ngayon at nag papakilala sa kanila..

                                             Ang aking Lola..

“Sa bawat pagkakataon na kasamat kita,puso ko'y napupuno ng saya”.
“Ikaw ang naging Ilaw ko sa madilim na kalangitan at naging lakas ko sa oras ng kahirapan” pag-papatuloy ko sa aking tula habang nakatingin sa reaksyon ng aking mga ka-klase.
“Sa gitna ng pagsubok hindi mo ako iniwan na nag iisa at sa pagpatak ng aking mga ikaw ang nag silbing punas nito”.sambit ko habang ninanamnam ang bawat salita.
“Sana ay panghabangbuhay na ito,mahal ko,Lola ko!”...
Sabay pag bukas ko ng aking mata,ay ngiti ng guro at mga ka-klase ko ang tumambad sa akin,ang iba ay nag hihiyawan at nagpapalakpakan pa,meron ding ibang tila ba'y maluluha na ngunit may ngitin paring makikita sa kaniyang mga labi.

Napangiti naman ako,mabuti ay nagustuhan nila ang aking tula pinagpuyatan ko talaga ito kagabi upang maging maganda ang maging kakalabasan nito.

“Napakagaling anak Jolina,napaka ganda ng presentasyon mo”..
May ngiting pag pupuri sa akin ng aming guro na si Ginang hulia habang papalapit sa harapan kung nasaan ako nakatayo..

“Hindi mo ako binigo isa ka talaga sa mga estudiyante kong magaling mag sulat ng mga tula ”

Nakangiti naman akong nagpasalamat at umupo narin sa aking upuan.

“Okay mga anak dahil tapos ng mag presenta ang lahat ay ayusin na ninyo ang inyong mga gamit upang kayo ay maka uwi na”..

Inaayos ko na ang aking gamit upang maka-punta na kay Lola at makatulong sa kaniya sa pag bebenta ng mga lamang dagat kagaya ng isda at upang ikuwento narin sa kaniya ang mga nangyari ngayong araw na ito.

Nag paalam narin ako sa aking mga ka-klase at nag pasalamat narin dahil kanina pa silang walang tigil na pumupuri sa aking nagawang tula pati sa aking guro nasi Ginang hulia na kanina paring nakangitin at bumabati sa akin.

Ilang minute ay umalis narin ako at nagpaalam sa kanila.



Alpas Ng PahimakasWhere stories live. Discover now