Chapter 17- Wait

4 0 0
                                    


Sandali lang kaming kumain ni Xavier sa pansitan at agad ding umalis. Hindi ko akalaing tutuparin niya ang pangako sa akin na ihahatid niya pa ako sa bahay. 

"Magpapaalam lang ako sa grandparents mo" he said while driving.

Nang dumating kami sa bahay ay agad siyang sinalubong ng mga matanda. Natuwa pa siya ng inalok itong kumain. Gusto niyang tumanggi ngunit mapilit ang dalawa. 

"Mabuti at naisipan mong bumisita" masayang sambit ni Lola Wilfreda.

"Umuwi na po ako sa Maynila, doon na po ako mag-aaral" sagot ng aking kaibigan at sumulyap sa akin.

"Kung ganoon ay hindi kayo magkikita ng apo ko?" bumaling din ito sa akin at bahagyang ngumiti. "Wala pala ang manliligaw mo sa mga susunod na buwan?" 

Halos masamid ako sa aking narinig. Bahagya namang natawa si Xavier kaya napalingon ang dalawang matanda dito.

"Hindi niya po ako sinagot...may boyfriend na po si Sophia" nahihiyang sambit nito.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay dahil sa sinabi nito. Ang bibig mo!

"Anong boyfriend?" naguguluhang tanong ni Lolo.

Napabuntong hininga ako bago nag salita. "Meron na Lo, taga dito lang din. Pasensya na at sa iba niyo pa nalaman" 

Napasinghap si Xavier dahil doon.

"They didn't know?" he mouthed.

I glared at him. 

Natapos kaming kumain kaya nagpaalam na ito. Hindi ko na siya ihinatid dahil pinaulanan na agad ako ng tanong ni Lola.

"Taga saang barangay? Kilala ba natin? Anong pangalan?" sunod-sunod na tanong nito.

"Taga kabilang barangay lang ho, ipapakilala ko po sainyo bukas pagkatapos ng eskuwela" sagot ko.

Matapos ang aming usapan ay nagtungo na ako sa aking silid. Agad kong inabot ang aking cellphone para mag text kay Asher. He's not mad right? 


Me:

Can we talk?


Ilang minuto ay nag reply din agad ito sa akin.


Asher:

Is there something to talk about?


I immediately replied to him. Well, I expected it.


Me:

Magkita tayo ngayon.


Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pang reply sa akin si Asher. Ayaw ba niya?


Me: 

Bukas na lang pala, mukhang busy ka. 


Dahil sa inis ay agad kong ibinaba ang aking cellphone at naisipang buksan ang aking notebook. Kung ayaw niya akong kausapin edi 'wag! At isa pa, kailangan ko din namang mag-review para bukas. 

Minutes  passed by, and my Lola called me. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang reaksiyon niya pero ipinagkibit balikat ko na lamang ito. Dali-dali akong lumabas ng kwarto para puntahan at kausapin si Lolo tungkol sa pagtawag niya pero agad ding natigilan ng makita kung sino ang nasa sala. 

Heaven SentWhere stories live. Discover now