.𖥔 ݁ ˖ partners in crime

5 3 0
                                    

[ date written: june 21, 2022
word count: 2.3k ]

Nakilala ko siya nung mga panahon na talagang ayaw ko na mabuhay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakilala ko siya nung mga panahon na talagang ayaw ko na mabuhay. Noon kasing panahon na 'yon ay nalaman kong ampon lang pala ako at ibinenta naman ako ng tunay kong mga magulang sa kanila. Matapos no'n ay pinalayas na rin ako dahil hindi na raw nagpapadala ng pera ang tunay kong magulang sa kanila. Nakakatawa lang, dahil ni minsan naman ay hindi ko naranasang maging masaya sa kamay ng fake parents ko dahil kinakawawa at inaalila lang naman din nila ako. Ngayong wala na silang pakinabang ay basta-basta na lamang nila akong itatapon. Mas walang kwenta pa sila sa akin sa totoo lang.

"Hoy!" Dinig kong sigaw ng isang boses ng lalaki

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang sasakyan na may apoy tapos ay may lalaki na may mahabang buhok ang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ko.

"Baba, bilis! Sumama ka sa akin! Mahirap na kapag ikaw pa ang napagbintangan!" Aniya, habang nakalahad ang kamay. Hinawakan ko ito at hinayaang alalayan niya ako pababa.

Tumakbo naman kaming magkahawak ang kamay, hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan kami. Parehas kaming hinihingal nang tumigil kami sa tabi ng isang motor.

"Whoo! Pasensya ka na kung nasira ko ang suicide attempt mo, ha?" Panimula niya, subalit nang tingnan ko siya ay hindi naman siya nakatingin

"Ano ba kasing ginawa mo?" Tanong ko sa kanya

"Nagpasabog lang ako ng sasakyan."

"Bakit?"

"Kasi nababagot ako." Simpleng sagot niya na para bang normal na gawain niya na ang gano'ng bagay sa araw-araw. "Ikaw, ano bang pumasok sa utak mo at magpapakamatay ka sa lugar na 'yon? Wala ka man lang bang kaibigan o pamilya na mag-aalala sa'yo?" Dugtong niya, at biglaan namang naging seryoso ang tono ng pananalita niya

"Kaibigan? Mukha bang meron ako noon? Pamilya... well, ibinenta ako ng real parents ko sa ibang tao, pero ngayon ay pinalayas na rin ako. Hindi naman ako naituring na anak din, e. Sa tingin mo, ano pang gagawin ko sa mundong ibabaw kung itinapon na nga ako?" Paliwanag ko

"Hmm... sumama ka na lang sa akin. Kami lang naman ng mama ko sa tinitirhan namin." Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya

"What? Gano'n gano'n na lang 'yon? Mister, hindi natin kilala ang isa't-isa! Ni hindi mo man lang ba naisip na baka masamang tao pala ako at gawain ko 'yong kunwari ay magpapakamatay para lang may maloko?" Inis na sabi ko sa kanya, kaya lang ay kumurap-kurap lang siya

"Kung masamang tao ka, edi sana hindi ka nagagalit na ganyan, hindi ba? Oo, may katangahan ako sa academics, pero pagdating sa tao ay alam ko naman kung sino ang mabuti at hindi. By the way, I'm Baji Keisuke." Pakilala niya

"Oh... I'm Fuwa Karina." Sabi ko naman

"Okay, Karina, you're coming with me! Member lang ako ng gang, pero hindi ibig sabihin no'n ay masama na akong tao talaga." Pagkasabi niya no'n ay kinuha niya ang nag-iisang helmet na nakasabit sa motor, saka ibinigay sa akin. "Wear this." Aniya, kaya sinunod ko na lang din

partners in crime ✎ᝰ baji keisuke ✓Where stories live. Discover now