CHAPTER 19 The Accomplice

271 10 0
                                    

MATCHA POV

Kinabukasan maaga kaming ipinatawag ni Colonel Calix. May masamang balita kasi itong sasabihin samin. Pagdating namin sa lugar kung saan niya kami pinapunta, nagkalat na ang mga otoridad sa paligid. Kasalukuyang andito kami sa isang parke.

"We found the body." Nadidismayang bakita ni Calix samin. Dinala kami nito sa isang playground at doon namin nakita ang babaeng nasa video kahapon. Patay na ito ngayon habang nakasandal sa isang seesaw. Mababakas sa buong katawan niya ang pagpapahirap na ginawa sa kanya bago ito mamatay. Puro hiwa ang katawan nito. Sa leeg, sa dibdib, sa braso at sa mga hita nito. Nawawala din ang mga kuko nito sa paa at kamay.

"Base on the purple patches in her body, the torture continued for a few days." Forest said. Nakikinig lamang si Colonel Calix samin.

"But this place is so different from the other murder cases." Peanut said.

Habang nag-uusap sila, pasimple akong umalis at pinagmasdan ang buong kapaligiran. Bakit dito niya sa park iniwan ang biktima? Nagbago ba ito ng pattern sa pagpatay? Naglakad-lakad pa ako sa paligid ng mapadpad ako dito sa mapunong parte nitong park. Matataas ang puno dito at puro halaman sa paligid. Nang lapitan ko ang isang puno na may patong-patong na bato, sinuri ko itong mabuti. May bulaklak ito at cross na nakapatong sa tuktok ng mga bato. Teka, ano iyon? Pinulot ko ang isang kwintas at binuksan ito. Napakagat ako sa labi ng makilala kung sino ang nasa litrato.

"GUYS! OVER HERE!" Tawag ko sa kanila. Agad naman silang naglapitan sakin, maski si Colonel Calix ay sumunod sa kanila. Nang makalapit sila, ibinigay ko ang kwintas na napulot ko.

"This is the victim and her mother." Colonel said.

"That's right. And this is the grave of the victim's dog that she's carrying in the photo." Sabi ko sa kanila.

"This is a special location where he may intensify the victim's and her parents' suffering." Forest said.

"This case is driving me crazy." Colonel said.

"For now, babalik na muna kami sa agency, baka may makuha pa kaming information base on what happened today." Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at nagpasalamat. Nang makabalik kami sa agency, andoon na si Bacon at nakangiting iniintay kami.

"Good morning mga ate at kuya. Sobrang busy niyo naman po." Bacond said.

"Sinabi mo pa. May murder case kaming hinahawakan ngayon." Reklamo ko sa kanya. Natawa naman ito at nag fighting pose.

Dumiretso kami sa taas at tsaka sinalansan ulit ang mga case report na binigay samin ni Colonel. Tahimik namin na sinusuri ang bawat files na hawak namin. Nang wala akong makitang kakaiba, kinuha ko ang envelop na pinaglagyan ng compact disc. Napakunot ang noo ko ng mabasa ang address na nakasulat dito.

"The receivers name was the message." Sabi ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sakin.

"I noticed that all the first finders of the three previous murders was there mother." Mojito said. Binalik ko ang tingin sa envelop. It was address to her mom.

"That means that the criminal's target was their mothers rather than their families." Sabi ko sa kanila.

Bumalik na muna sila sa kani-kanilang table para tapusin ang mga naka pending nilang trabaho. Habang ako naiwan dito sa mahabang lamesa namin at paulit-ulit na pinapanood ang video sa laptop.

"Hindi ka ba nagsasawa panoorin iyan, Matcha?" Peanut asked.

"I swear, binangungot ako kagabi dahil sa video na 'yan." Mojito said.

"Matcha. The tattoo you're asking, I already got it." Forest said.

Tumayo naman silang tatlo at tsaka lumapit ulit dito sa lamesa. Ipinakita nito sa screen ang isang malinaw na kuha ng tattoo ng lalaki.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon