CHAPTER 22 First Outing

300 10 5
                                    

MATCHA POV

"Guys, sakay niyo na mga bagahe niyo dito sa likod." Mojito said.

Hulaan niyo anong meron ngayon? Mags-swimming lang naman kami sa isang beach resort. Naiinggit na ba kayo? Kulayan niyo na kasi 'yung inyo. Hahaha! Maliban pala saming apat, kasama din namin si Bacon at ang dalawa pa nitong kapatid na sina, Spam at Pancake. Pwedeng-pwede na pang-almusal 'tong tatlong magkakapatid. It's already 3 in the afternoon na nga pala ngayon. Sinadya naming magpahapon, dahil ang init sa byahe.

"You've already brought all your things?" Forest asked me.

"Oo nasa maleta na." Sagot ko sa kanya.

Kinuha naman nito ang maleta ko at tsaka inilagay sa likod ng sasakyan ni Mojito. 'Yung van kasi niya ang gagamitin namin para sa outing. Hanggang ngayon, hindi pa din talaga ako sanay sa sweetness ng dalawang ito or more like si Mojito lang pala. Para naman kasing tuod itong si Peanut. Pagsusungit lang ata ang alam gawin nito sa buhay eh. Mabuti na lang at compatible ang dalawang ito.

"Okay, done. Tara na, guys?" Tanong ni Mojito samin.

"Yeeeey!! Swimming!" The little girl, Pancake shouted.

"Opo, kuya. Excited na po kami." Spam said. He's 2 years younger than Bacon.

Sumakay naman kaming lahat sa van, si Peanut sa passenger seat while kaming dalawa ni Forest sa gitna at ang tatlo kids naman ay sa likod.

"Alright. Here we gooooo!" Mojito said and start the engine.

Mga 3 hours trip din itong gagawin namin bago makarating sa beach resort na pinareserved ni Peanut. Nagbaon din pala kami ng maraming kutkutin sa byahe para hindi mainip sa byahe.

"Bacon, oh kuha kayo ng makutkut niyo." Sabi ko sa kanya at inabot ang isang eco bag na puno ng makakain.

"Thank you po, ate. Oh kuha na kayo." Inabot ni Bacon ang eco bag at tsaka pinakuha ang mga kapatid niya. Nag bukas naman ako ng pringles at nilantakan iyon.

"You want?" Alok ko kay Forest na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.

"Feed me." He said shamelessly.

"Baldado ka ba, Forest?" Tanong ko kanya.

Sinamaan ako nito ng tingin. Natakot naman ako kaya sinubuan kona. Alam na din pala nilang lahat na nanliligaw itong si Forest sakin. Paano ba namang hindi mahuhuli, napaka-clingy ng bakulaw na ito. Naiistorbo tuloy ang moment ko sa pagkain dahil sa asungot na 'to. Kung di ka lang talaga pogi, di kita pagtsatsagaan. Charot. Lablab ko iyan, shhhh lang kayo.

"Maganda ba 'dun sa napili mong beach, Peanut?" Tanong ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin.

"It's a private beach that's famous here on cebu. Kung alam mo lang paano ang hirap ko makapag-booked lang ng room nating lahat. Thankfully, my isa pang available na room for us." Peanut explained.

"Excited na kong lumangoy." Sabi ko sa kanila habang nagdedemonstrate paano lumangoy dito sa loob ng sasakyan.

"Pffft." Nagpipigil na tawa ng mga bata.

"Yah! Stop that, will you? Nakakahiya sa mga bata." Pananaway ni Forest sakin.

"Sige langoy pa Matcha. Makakarating tayo sa beach niya." Pang-aasar ni Mojito.

"Ang killjoy mo." Sabi ko kay Forest.

After 3 hours of driving, finally! Nakarating na din kami. Tama nga si Peanut, napakaganda dito at mukhang yayamanin. Halos puro magagarang sasakyan nga lang ata ang nakapark dito sa parking area ng resort. Tanaw na tanaw na din namin dito ang isang 20th floor building ng hotel. Woah.. nag-iisa lang ata itong building dito sa lugar na ito?

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now