Chapter 1

311 12 26
                                    

First chapter is On!
Enjoy reading guys!
____________________________

Yleign Valiente's Pov:

"Sure kana ba teh na mag momove out kana? Ayaw mo naba akong katabi? Mabaho ba kili-kili ko?"

"Ano kaba baks! Syempre naka luwag-luwag na yang si Yleign kaya hindi na sya dito titira sa bahay mo."

"Pero kahit na sharon! Gusto ko paring maamoy ang mala rosas na bango ni Yleign Sya kaya ang Air freshener sa kwarto ko dahil sa amoy nya kahit hindi kana magpa bango sa kwarto ay mabango na dahil kay Yleign."

"Oo teh mabango si Ylein Pero baliktad naman yung sayo. Hindi naman ako inform na may dinadala kang suka dyang sa armpit mo!"

"Hala grabe sya kala mo naman naliligo araw-araw. hoy teh naamoy ko narin yung kipay mo mukhang panis na."

"At least ako may kipay!"

"At least ako may ama!"

Hayst. Mga kaibigan ko ba ito o anak? Bakit palagi nalang itong nag-aaway sa harapan ko. Pwede bang itigil na nila iyan.

"May papa ka nga pero mukha namang umang!"

"Mama mo!"

"Mama mo rin!"

"Ew mama mo!"

"Ang mama mo rin!"

Napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa mga binabato nilang mga salita sa isa't isa.

"Tama na yan!" Awat ko sa kanilang dalawa.

"At least---"

"Tama na sharon." Mahinahong sabi ko.

"Okay, pero mama--"

"Isa, sharon." Banta ko sa kanya kaya napatahimik bigla ng bibig ang isa.

"Bleh! Napagalitan."

Hayst isa rin itong si Christ kala mo naman mga bata.

"Hanggang sa pag-alis ko ganito parin ang mga ugali ninyo? Magbago na kayo hindi na kayo mga bata na dapat mag away-away pa sa mga maliliit na bagay. Para nyo na akong ina eh na st-stress nako kaka awat na inyong dalawa." Sermon ko sa dalawa.

"Sorry, Leyn."

"Sorry, baks."

Sabay na sabi nilang dalawa. Napangiti naman ako at agad na tumango.

"Okay lang. Basta itigil nyo na talaga iyang mga away-away ninyo. Kaya kayo walang jowa eh." Asar ko sa kanilang dalawa para magkatinginan sila sa isa't isa.

"WOW! HIYANG HIYA NAMAN KAME SAYO!" Sabay na sigaw nilang dalawa kaya biglang tumalon ang kaluluwa ko.

Napahawak ako bigla sa may dibdib ko dahil sa kaba.

"Ano ba yan! Oo na pareho na tayong tatlo walang jowa." Pagsuko ko.

"Talaga naman kase sis! Swerte mo nga madami kang manliligaw pero ni isa wala kang sinasagot don." Ani ni Sharon.

"Ay agree Ako dyan Dai." Pag sang-ayon naman ni Christ. Napailing na lamang ako ng aking ulo at agad na tumingin sa dalawa.

"Pang kabuhayan ang hanap ko mga teh hindi yung mga ganyan-ganyan." Saad ko sa kanila.

"Asus! Kahit na may trabaho kana hindi ka parin nag ganyan ganyan. Sa akin nalang yang ganda mo may ambag pa yan." Ani ni Sharon na ikinatawa ko.

"Kung pwede palang." Sabi ko sa kanila. Bigla namang tumunog ang keypad kong cellphone kaya agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa.

In The Stillness Of Eternity (El Eligido Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu