CHAPTER 24 Case Closed

245 12 1
                                    

MATCHA POV

After 2 hours of investigating this small town, wala pa din kaming mahanap na kahit isang clue. Na-stress na ako sa kakaisip kung saan pa kami maghahanap ni Forest.

"Doon muna tayo sa may kubo, Forest. Pagod na talaga ako." Sabi ko sa kanya at nauna ng maglakad.

Andito kami sa baybaying dagat, naglalakad-lakad baka sakaling may naiwan na bakas ang doctor na iyon. Pagdating namin sa may kubo-kubo, may isang matandang lalaki ang nakatambay at tahimik na pinagmamasdan ang karagatan.

"Lolo, pwede po ba kaming makisilong?" Paalam ko sa kanya, tumingin naman ito at tsaka tumango.

Bilang pasasalamat ay binigyan ko ito ng isang juice in can na bitbit naman. Tumabi naman sakin si Forest at tsaka niya kinuha ang kamay ko at hinawakan ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin, pero ang loko patay malisya. Simpleng tsansing na naman eh.

"Grabe Lo, ang init ano?" Tanong ko sa kanya.

"Sinabi mo pa, iha. Salamat nga pala dito." Sabay pakita niya ng juice sakin.

"Welcome po. Matanong ko lang, wala po ba kayong napapansin na kakaiba dito sa lugar niyo po?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman iha, ang tanging kakaiba lang sa paligid na ito ay ang mga basura na inaanod dito galing sa kabilang pangpang." Sabi ng matanda.

"Kabilang pangpang? Yung sa hotel po?"

"Oo, iha, maging sa ibang lugar, dito din ang bagsak ng mga basura." Sabi ng matanda.

"Pwede ko po bang makita ang mga basura na nakuha niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayun, oh. Puntahan mo na lang." Turo niya sa gilid nitong kubo niya.

"Tara, Forest." Yaya ko sa kanya at pasimpleng binawi ang kamay ko.

"What now? You're going to search that pile of trash?" Maarteng tanong ni Forest.

"Oo. Don't worry 'di po kita papatulungin. Kahiya naman kasi sa kutis mayaman mong balat."

"Tss."

Hindi naman pala ganun kadami ang basura na nakukuha ni Lolo. Kadalasan bote lamang ito ng mga walang lamang softdrinks, tubig at ibang mga plastic bags. Teka ano tong kulay pink na plastic. Kumuha ako ng panyo at tsaka inangat ang isang pangbatang salbabida. Sinuro ko itong maigi at nakita ang isang maliit na butas dito.

"Lo! Itong salbabida, kaninang umaga mo lang ba ito nakuha?" Pinakita ko sa kanya ang hawak ko.

"Ahh, oo kanina lang iyan."

"Pwede po bang akin na ito?"

"Sige, kunin mo na 'yan."

"Pahingi na din po pala ako ng apat na bote nito, Lo."

"Sige. Iha sayo na 'yan."

"Alis na kami, Lo. Salamat po dito." Paalam ko sa kanya.

"Tara, Forest may pupuntahan tayo." Sabi ko sa kanya.

"You're going to bring that trashes?" He asked.

"Oo. Wag ng madaming tanong." Pagsusungit ko sa kanya.

"Sana sinabi mong gusto mo magbasurera para binilhan kita ng junkshop." Pagbibiro nito.

"Haha. Nakakatawa ka." Asar kong sabi sa kanya.

Pagsakay namin sa van, minaneho na ito ni Forest at kada madaanan naming lugar, pinapahinto ko siya at nagtatapon ng isang bote sa dagat. Naka apat ata kaming stop over bago naubos ang dala kong boteng walang laman.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ