Chapter 4

140 10 10
                                    

Yelling Pov:

"Ilagay mo dun seb." Utos ko kay seb na dito na muna ilagay ang sofa.

Naglilinis kaming dalawa dito sa apartment ahil medyo ma alikabok na. Araw-araw naman akong naglilinis pero hindi parin maiwasan ang mga dumi.

Ako lang sana yung maglilinis pero biglang nagpumilit si Seb na tulungan ko nalang daw sya. Tumanggi naman ako sa sinabi nya dahil napag-alaman ko na nakakatihan sya sa mga alikabok. allergy ganun?

Hindi naman sya nag papatalo at gusto nya talagang tumulong sa'kin. sabi pa nya na allergy lang daw yun at hindi iyon nakakamatay. Medyo natawa ako dun sa part pero may kunting takot rin dahil unti-unti ng namumula ang kanyang leeg. Pumayag nalang ako dahil hindi naman ako titigilan nya hanggang sa hindi ako sumang-ayon.

Day off ko ngayon at 2 week narin ang nagdaan simula nang magsama kami dito ni seb sa dorm ko.

Okay naman ang lahat masaya naman kami. Minsan ay may asaran ring nagaganap kaya medyo hindi ako nabobiringan na kasama si Seb dahil may pagkamakulit rin ito.

"Here, Mi amor?" Tanong nya. Tiningnan ko naman sya at halatang pawis na pawis na sya dahil sa init ng panahon.

"Pawis na pawis kana seb sabi ko naman sayo na doon ka nalang sa kwarto eh. I on mo nalang din yung aircon dahil parang hindi ka nasanay sa electric fan lang." Sayaw ko sa kanya pero nginitian nya lamang ako.

"Don't worry about me Mi amor. I just want to help you so we can finish this easily." Ani nya sabay ngiti.

"K-kung ganun talaga ang gusto mo hindi naman kita pipilitin pa. By the way gusto mo ng tubig ikukuha kita?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon naman sya sa'kin. "sure, Mi amor." Ani nito.

Tumango lang ako at naglakad narin sa ref ko. Taray diba may ref na ako? Wag kayo binili yan ni seb.

Kinuha ko ang pitsel nang makarating na ako sa ref. Kahapon ko pa to nilagay kaya sure akong malamig na ito. Agad ko rin naman sinara ang pintuan ng ref tsaka bumalik kay Seb.

"Ito seb oh uminom ka muna tama muna yang pag arrange mo ng mga gamit." Ani ko kay seb nang makita kong busy sya kakalagay ng mga gamit sa box.

"Thank you! Mi amor." Maligayang ani nito kaya napatawa nalang ako.

"Walang anuman."

Nagsimula na syang uminom ng tubig. Napalunok naman ako nang makita ko ang kanyang adams apple tumataas baba habang busy syang umiinom ng tubig.

Shet ang hot--- I mean ang hot ng mundo.

Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa matapos na syang uminom. Hindi naman maalis ng mata ko kung paano nya lunukin ang huling tubig na ininum nya at ibinigay sa'kin ang pitsel.

"Why are you looking at me, mi amor?"

Biglang bumalik ang ulirat ko at napatingin sa kanya na nakatitig na pala sa'kin habang malawak ang ngisi. Tumaas bigla ang dugo ko papunta sa aking pisnge dahil nakita nya akong nakatulala habang nakatingin sa kanya.

"T-tapos kana?" Naiilang kong tanong habang nakaiwas ng tingin sa kanya.

"Hmm." Yan lang ang sinabi nya at naramdaman ko na bumalik na sya sa kanyang ginagawa.

Tumalikod naman ako sa kanya at napakagat ng labi napapikit na lang ako dahil sa kahihiyang ginawa ko.

Gosh ka talaga beh! Ayan tuloy nakita ka nyang nakatingin sa kanya baka sabihin pa nya pinagnanasaan mo sya.

Naglakad nalang ako pabalik sa kusina habang nagmumura kada hakbang. 

 

"I abante mo kunti." Utos ko kay seb habang sya naman ay nasa gilid ng parador ng kwarto na'min.

In The Stillness Of Eternity (El Eligido Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora