Chapter 5

87 5 0
                                    

Yleign Pov:

"Bakla!"

"Yleign!"

Sabay na sigaw nina sharon at Christ nang i surprise ko sila sa pagdating ko rito sa bahay ni Christ. Hindi ko naman inaakala na nandito rin pala si sharon kaya silang dalawa ang na surprise ko.

"Surprise mga anak sa ilang inahan!"
(Surprise mga anak ng kanilang ina!) Sigaw ko habang nakabuka pa ang mga bisig.

"Gaga ka bakla bakit Hindi mo sinabi sa'min na pupunta ka pala dito?" Shock naman akong napatingin kay Christ.

"Teh alam kong O.A ka lang pero Sana wag karing maging bobo eh nuh? Surprised nga diba? Dapat ba yun sabihin?" Napairap nalang ako ng mata dahil kay Christ.

"Aba'y naging masungit kana ngayon!? Hindi kita pinalaking ganyan Yleign sino nag turo nyan!?" Tila galit na saad ni Christ habang umaastang nanay ko.

Natawa naman ako sa inasal nya. "Che! Tigil-tigilan mo ako Christ." Anas ko.

"Hindi eh! Naging maldit--"

"Ikain mo nalang yan may dinala akong niluto ko." Putol ko sa kanya.

"Luto!?" Napatingin naman ako kay sharon na nanonood ng K-drama sa tv.

"Oo Shar, hindi paba kayo kumain---" hindi na natapos ang sasabihin ko ng biglang itong tumakbo papunta sa pwesto ko.

"Saan? Saan? Saan yung niluto mo?" Natatakam pang ani nya kaya natawa nalang ako.

"Gaga ka shar! Itigil mo yan para kang asong gutom." Napatingin man sya sa'kin at inirapan ako.

"Shh! Ibigay mo nalang ang niluto mo, miss ko ng kainin ang masarap na linuto mo eh." Ani nito at dinilaan pa ang labi.

"Ang sabihin mo patay gutom ka lang!" Napatingin naman ako kay Christ na nagsasalita.

"Ay wow! Nagsalita ang malakas lumamon." Parinig ni sharon kay Christ.

"At least ako hindi tumataba."

"At least ako healthy di ka gaya mong parang ilalamay na."

"At least ako di mabaho ang kipay."

"Ang tanong may ganun kaba?"

Hayst! Sinabi ko na noon sa kanila na wag mag-away away pero ano ito?

"At least ang mama ko maganda."

"At least ang mama ko hindi sinungaling."

"Yung mama mo nga Utangira!"

"Eh Yung mama mo chismosa!"

"Yung mama---"

"TIGIL!" Napasigaw ako ng malakas dahilan na ikatigil nila sa kanilang away.

Napasapok nalang ang kamay ko sa aking ulo dahil sa kakulitan ng dalawa.

"Ngayon nga lang ako dumalaw naging referee pa ako." Anas ko at napahawak ng aking noo.

"Eh ito kase yung nauuna eh." Tinuro ni christ si sharon.

"Ha? Ako pa talaga? Sino nga ulit yung nagsabi sa'kin na Patay gutom ako? Diba ikaw lang naman? Sisihin mo pa ako." Ani nito sabay irap.

"Tama na yan okay? Ayaw ko ng marinig na nag aaway kayo." Tigil ko sa kanilang dalawa. "Kunin nyo nalang ang pagkain sa bag ko naka Tupperware yun at kumain na kayo mukha hindi pa kayo kumakain anong oras na." Dagdag ko pa.

Nagliwanag naman ang mga mata nilang dalawa sa sinabi ko kaya sabay silang tumakbo papunta sa bag ko na naka lagay sa mesa.

"Hoy Sharon! Sa'kin yung masarap ah!" Habol pang sabi ni Christ.

In The Stillness Of Eternity (El Eligido Series #1)Where stories live. Discover now