CHAPTER 29 Rest Day

250 9 0
                                    

MATCHA POV



Finally, natapos na din ang murder case. Today is sunday, katatapos ko lang maglinis ng bahay at maligo. Pababa na ako sa sala ng magring ang doorbell namin, si Mojito na ang tumakbo papalabas habang naiwan si Peanut sa sala. Naglalaro silang dalawa ng jenga kasama si Forest. Sakto namang pagbaba ko, pumasok ang mga bwisita namin.

"Wassup, guys!" Hyper na bati ni Cleosur habang may bitbit na dalawang malaking box ng pizza.

"Dapat ako lang ang pupunta, kaso paepal itong si Cleo at sumama." Reklamo ni Calix habang maybitbit na mga beers.

"Tuloy kayo mga bwisita." Sabi ko sa kanila.

"Pasmado na naman ang bibig ni Matcha. Pagpasensyahan niyo na." Peanut said.

"Okay lang 'yun, sanay na kami diyan." Calix said at nilapag sa center table ang mga bitbit.

"Ano guys? Tara laro tayo ng jenga?" Pagyaya ni Mojito sa dalawa.

"Sure!" Cleo said happily.

"Diyan na muna kayo, magluluto lang ako ng pulutan." Sabi ko sa kanila.

Pagpasok ko sa kusina, nagulat ako ng may yumakap sa likod ko, amoy pa lang kilala kona. Umikot ako paharap sa kanya at ipinatong ang mga kamay sa balikat nito.

"Ang pogi naman ng mahal ko ngayon." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"And you're beautiful today, too." He said softly. Hinalikan ako nito ng madiin sa labi at humiwalay din naman agad.

"Tss. Bitin." Reklamo ko sa kanya.

"Later, baby." He said.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagsimula ng maghanda ng lulutuin. Pinabalik kona si Forest sa sala para makipagbonding sa mga kaibigan namin. Habang nagluluto, naririnig ko ang malakas na tawanan nila sa sala. Partida, mga professionals 'yan pero parang tambay sa kanto kung magbardagulan. Napapangiti na lang ako habang nagluluto. I really love this new found family I have, may nadagdag pa na dalawa. I never thought that Calix and Cleosur would became part of Matcha Holmes detective squad. Nang matapos akong magluto, dinala kona sa sala ang pulutan at nagsimula na ang inuman namin habang naglalaro ng jenga. Tumabi ako kay Forest syempre, lalabs ko eh.

"Forest, tol, ikaw na." Calix said. Seryoso naman nitong pinagmasdan ang mga blocks.

"Hala~" pang-aasar ni Cleosur.

"Wag ka ngang panggulo diyan!" Saway ni Mojito.

Ayan na, kukuha na si Forest ng block. Dahan-dahan niyang hinila ang isang block at ipinatong sa taas, mabuti na lang at stable pa din ang tower. Ako na ang next, syet kinakabahan ako, medyo hindi na ganun katatag ang tower.

"Ay sayang." Pang-aasar ni Mojito kay Forest.

Napapakutkot ako sa kuko ko habang naghahanap na pwedeng hilain. Mas mahirap pa ata 'to kesa sa kaso na hinahawakan namin.

"Ayan na! Hala kaaaa!" Maingay na pang-aasar ni Cleo. Hindi ko ito pinansin at nagfocus, nang may makita akong isang block na feeling ko safe pa din kapag hinila ito. Dahan-dahan kong kinuha ito at napa-yes ako ng maging successful ang pagbunot ko.

"Si Calix men na, tatanga-tanga ka pa naman sa ganyang laro." Pangbubuking ni Cleo.

"Shut up!" Inis na sabi ni Calix at nagfocus sa laro.

"Pffft. Makatitig ka sa mga blocks kala mo kriminal yang nasa harap mo, eh." Sabi ko sa kanya.

"Tol, wag kana mahiya, magpaubaya kana." Panunukso ni Mojito.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz