CHAPTER 30 Unexpected Visitor

266 13 2
                                    

MATCHA POV


If monday had a face, I would fucking punch it. I'm really not feeling this whole monday thing. Tamad na tamad akong nagtitipa sa harap ng computer ko para tapusin ang mga nakapending case reports ko. Wala nga pala sila Mojito at Peanut, pumunta ng bangko kaya kami lang ni Forest at Bacon ang naiwan dito. Huminto muna ako saglit para ipahinga ang mata ko. Iidlip sana muna ako ng mahagip ng mata ko ang cubicle ni Forest, seryoso itong nakatutok sa computer niya. Nagpangalumbaba ako at nakangiti siyang pinagmasdan. His face card is so insane. That kind of pretty face should be illegal. Nakakacause ng heart atak ang ganyang klase ng lalaki. Tutunganga pa sana ako ng maalala ko ang notebook ni Lolo Gaston. Nagmadali akong hinalungkat ang bag ko at kinuha ang notebook.

Namamangha ako sa ganda ng sulat kamay ni Lolo. Vintage na vintage kasi ang sulat niya. Mostly, mga kaso na hinawalan nila ang nakasukat dito. Madami-dami din pala silang hinawakan na kaso. Obvious naman sa tambak ng mga kahon sa attic. Nang mapadpad ako sa last page nitong notebook, binasa ko ang nakasulat dito.

"Moriarty Pharmaceutical Inc."

Nakasulay ito sa gitna ng paper at nakapaloob ito sa isang malaking bilog. Tapos sa labas nito ay may mga arrow. Inisa-isa ko itong basahin.

"Missing teenagers, drugs, test subjects, hidden crime."

What is this? Bakit parang iba ang kutob ko sa isang 'to? Tumayo ako at nagmadaling pumunta sa cubicle ni Forest. Inangat naman nito ang tingin niya sakin. Napatitig ako sa magaganda nitong mata. Nakakadistract naman 'tong lalaki na 'to.

"What?" Pagsusungit niya.

"A-ahh, A-ano... ahem.. baka may mahanap kang article na tungkol sa company na ito."

Ipinakita ko sa kanya ang pharmaceutical company na nakapaloob sa malaking bilog. Nagtaka naman itong napatingin sakin.

"Notebook iyan ni Lolo Gaston.. iba kasi ang kutob ko sa isang 'yan." Nakangiti kong sabi sa kanya.

He turned his swivel chair at me and cross his arms across his chest. Seryoso itong nakatingin sakin. Potek, why this guy is so sexy? Napakagat ako sa labi ko at napakamot sa batok ko.

"Bakit?" Nahihiya kong tanong sa kanya.

"So, you didn't remember anything from last night?"

"Kagabi? Huli kong naalala nag-iinuman tayo, bakit?" Sabi ko sa kanya.

"Damn.. never mind. I'll call you if I find something." Bumalik na ito sa harap ng computer niya.

"Pwede maki sit-in?"

"No. I told you no sitting-in."

Napahaba naman ang nguso ko at bumalik na lang sa cubicle ko. Sungit-sungit kala mo gwapo, sabagay gwapo naman talaga siya. Tinapos kona lang ang ginagawa ko at hindi na siya inistorbo pa. Maya-maya, napukaw ang atensyon namin ng mag-ring ang doorbell. Another case na naman? Kakapahinga lang namin huhu.

*Telephone ringing*

"Hello?"

"Ate... may bisita po. Paakyatin ko po?" Bacon asked.

"Sure. Thank you."

Pagbaba ko ng telepono, inintay kong umakyat ang bisita para salubungin ito. Pag akyat ng babae, napanganga ako sa ganda niya. Matangkad at blonde ang buhok, mahahalata din na isa itong foreigner.

"Hello, good morning." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"I'm looking for Forest Hades Macquoid, is he here?" Sofisticated nitong tanong.

Dahan-dahan namang napalingon ako kay Forest ng banggitin ng babae ang pangalan nito. Nakatayo na ito ngayon habang nakatitig sa bisita namin.

"Oh there you are, darling." Nakangiti nitong sabi kay Forest at nagmadaling lumapit sa kanya.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now