CHAPTER 31 Field Trip

244 9 0
                                    

MATCHA POV



Kinabukasan maaga kaming gumising para maghanda sa pagpasok sa office. Nang makababa ako sa kusina, nandun na ang fiance ni Forest, nakaupo habang nag-iintay ng almusal. Hinanap ng mata ko si Forest pero wala pa ito.

"Matcha, how was your hands?" Peanut asked ng makaupo ako.

"Okay na." Ipinakita ko sa kanya ang mga kamay ko.

"Ahhh, excuse me. Sorry for the late introduction ladies. I'm Matilda Grayson, Fiance of Forest Hades. You're his co-workers right?" Matilda asked. Mukhang mabait naman siya pero naiinis pa din ako sa papel niya sa buhay ni Forest.

"Yes, we are. Nice meeting you. I'm Peanut Darcy and she's Matcha Holmes. The guy at the kitchen is my boyfriend Mojito Orleans." Pakilala ni Peanut samin.

Tinanguan ko lang ito at hindi na umimik pa. Sakto namang paglabas ni Mojito sa kusina ang pagdating ni Forest. Amoy na amoy ko dito ang pabango niya, katulad ng dati ang gwapo pa din nito manamit. Akala ko nga kay Matilda ito tatabi ng umupo ito sa tabi ko.

"Darling? Why are you there?" Nagtatakang tanong ni Matilda.

"Just eat Matilda and pack your things." Malamig na sabi ni Forest.

"Ahh hehehe, guys kain na muna tayo." Awkward na sabi ni Mojito at naupo na sa tabi ni Peanut.

"What? No! I'm staying here. Tita said to never return without you." Magkasalubong na ang mga kilay nito.

"I'll take care of mom. Go back to Sweden." Forest said at nagsimula ng kumain.

Kumain na din kami at nang matapos, nakabuntot pa din itong si Matilda sakay ng pulang kotse niya. Nang makarating kami sa office, nakabuntot pa din itong si Matilda kay Forest hanggang sa makaupo ito sa cubicle niya. Hindi naman ito pinapansin ni Forest at nag-umpisa ng magtrabaho. Habang gumagawa ako ng case report, hindi ko maiwasang bantayan silang dalawa. Subukan niya lang halikan ulit si Forest, puputok talaga ang nguso niya.

Nang matapos ko ang isang case report, lumapit ako kay Forest at tinitigan ito. Nakakapit kasi sa braso nito ang higad na si Matilda. Napansin naman nila akong dalawa at sabay na nag-angat ng tingin.

"Oh, hi there, Matcha." Nakangiting sabi ni Matilda sakin.

"Lalayuan mo ang boyfriend ko o babalian kita ng buto?" Naramdaman ko naman na nabaling ang atensyon ng mga kaibigan ko samin. Habang nanlalaki naman ang mga mata ni Forest sa sinabi ko.

"Excuse me, what?" She asked.

"Mamili ka sa dalawa." Nagtitimpi kong sabi sa kanya. Napatayo naman ito at tsaka nagpamewang na hinarap ako. Syet, ang tangkad naman niya, nakaheels pa si bakla

"Oh come on. I'm the fiance. Are you kidding me?" Mataray nitong tanong sakin.

"Binalaan na kita, nasasayo kung seseryosohin mo." Kalmado kong sabi ss kanya. Humarap naman ako kay Forest na may namumulang mukha. Tangina ng gwapo na ito, nakuha pang kiligin.

"Asan na ang pinapahanap ko sayo, MAHAL?" Sinadya kong iparinig kay Matilda iyon. Napasinghap naman ito at hindi makapaniwala.

"Ahh.. ahem.. h-here." Nauutal nitong sabi sakin at inabot ang isang printed document.

"Ughhh! Isusumbong kita kay tita!" Brat na sabi ni Matilda at tsaka nag walk-out. Nang ibaling ko ang tingin kay Forest, napapakagat na ito sa labi niya habang nakatingin sakin.

"Ano?" Maangas na tanong ko sa kanya. Pinipigilan naman nitong ngumiti.

"Nothing. You're just quite lovely today." Pambobola niya sakin. Hindi kona ito pinansin at bumalik na sa cubicle ko.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now