Chapter 32

94 8 23
                                    


I officially lost my job the moment I packed my things in the locker. Mirana's burial held simply on a local cemetery.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang basag-ulo naming supervisor pagkatapos ng insidente. From the investigation, traces found on the crime-scene were pinpointing Kuya R as well.

I already suspected it. Simula noong marinig ko 'yong mga rumors na pumapalibot sa station at kung paano siya umasta sa harap ni Mirana ay sumibol sa'kin ang panghihinala. Mirana had been badmouthing him too. And she's right, after all. He grew his horn in the end.

Right now, as I witness how somber the faces here in cemetery, I'm hoping his own horn would stab him upfront.

Napatingin ako sa nanay ni Mirana na naiiyak habang pinapatahan ng asawa. Iilan din ang mga dumalo para magluksa at damayan ang mag-asawang Laure. Bukod sa kapitbahay ay kasama itong mga katrabaho namin sa station, sina Kuya Noel at Ella.

Tinitigan ko ang nakangiting litrato ni Mirana sa ibabaw ng kanyang kabaong.

Tuwing pumapasok sa utak ko ang isiping lumisan siyang hindi alam ang pangarap sa buhay ay nalulumbay ako. Ni hindi man lang siya pinagbigyang tumuklas dahil maaga siyang kinuha. Nagsisisi tuloy ako noong panahong hindi ko siya masyadong nabigyan ng pansin. Kasi aminado akong hindi hahantong sa ganito ang mga bagay kung mas naging malapit ako.

"Salamat sa pagdalaw, hija. Napapansin kong naroon ka palagi sa lamay." Naghalo ang lamlam at pagkahapis sa ngiti ng nanay ni Mirana. Sa tabi niya ang tatay.

"Walang anuman po," ngiti ko pabalik. "Gamit nga po pala ni Mirana sa locker ang laman n'yan."

Tinanggap ng tatay ang kahon. Kinuha ng ginang ang kamay ko. Kulubot ang kamay niya. "Maraming salamat, hija. I-Ikaw lamang ang tanging tunay niyang kaibigan sa paaralan."

Ang bait-bait nila. "Wala naman po akong nagawa para sa inyo. Tsaka, nandito lang naman ako para magdalamhati. Naging totoong kaibigan ko rin po ang anak niyo. Sobrang bait niya sa'kin. Kung 'di dahil sa inyo, hindi ko po siya makakasalamuha. Salamat po sa pagpapalaki sa kanya."

Kapwa binalot ng lungkot ang mga mukha nila.

Nagpaalam ako kaya bumitaw ang ginang sa kamay ko. "Wala po sa'tin ang gustong mangyari sa kanya 'to. Kaya 'wag niyo pong isisi sa sarili niyo ang pagkawala niya. Isipin na lang nating nasa mabuting kalagayan po siya ngayon."

Doon napahikbi nang marahan ang ginang. Hinagod siya sa likod ng asawa.

I'm kind of hypocrite to say it because I'm putting a blame to myself too, in fact.

Muli kong sinulyapan ang puntod ni Mirana. Wherever you are right now, I hope you're savoring the perk of freedom from the burdens on your back. You're too brave to endure the roadblocks, Mirana. Nonetheless, you did a good fight. You can fly freely now. Justice will come soon.

Bumuga ako ng hangin bago nagsimulang maglakad palabas ng sementeryo.

Ngayong unemployed na ako, kailangan kong maghanap ulit ng trabaho. The sooner, the better. Pantustos sa pag-aaral ni Jed. Lalo rin ngayong lumayas na si Shiro. Ayoko namang gawing obligasyon 'yon sa kanya.

Speaking of, I found out through Allen that he was currently staying at his house. Probably preparing for his flight.

Dinukot ko ang phone para silipin ang convo namin at napangiti ako sa lungkot nang maalalang binura ko sa phone niya ang messages namin pati ang number ko. Any call or text would only come off as 'Unknown Number' to him. Especially I refused to him giving my contact info.

How hilariously foolish of you.

I was about to turn my phone off when a restaurant's name piqued me. Napaisip pa ako sandali. Upon realization, a relieved smile touched my lips.

Drives Under NightlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon