CHAPTER 41 The Game Bet

258 9 4
                                    

MATCHA POV

You know what's smonday? Well, folks, it's the moment when sunday stops to feel like sunday and the anxiety of monday starts to kicks in. That's what I'm feeling yesterday, sadly it's monday again. Kailangan kong tapusin ang dalawang case na hinawakan ko for the past few days. Nagluluha na nga ang mata ko sa kakatutok sa monitor ko. Huminto ako saglit para sumandal at ipikit ang mga mata ko.

"Pwede bang hindi na muna pumasok bukas? Hahanapin ko muna ang sarili ko." Bulong ko sa sarili ko.

Pagdilat ng mata ko, sakto namang napatapat ang tingin ko sa pwesto ni Forest. Seryoso itong nakatitig sakin habang walang ginagawa. Buti pa siya, papogi lang dito sa office samantalang ako, haggard na haggard na. Pero dahil pogi siya, sige pagbigyan na. Magtatrabaho na lang ako ng mabuti para sa kinabukasan naming dalawa. Nasa malalim akong pag-iisip ng umakyat si Bacon bitbit ang isang bilao na maliit.

"Mga ate at kuya, kain po muna tayo." Bacon said.

"Uy, food trip." Mojito said.

"I'll just get the softdrinks." Peanut voluntered.

Nagsilapitan naman kaming lahat sa sala at pinalibutan ang bilao sa lamesa.

"Dumaan po si tatay para ibigay ito sa inyo." Sabi ni Bacon habang tinatanggalan ng dahon ng saging ang bilao.

Tinuro ko ang laman ng bilao. "Ito ay isang biko. Habang siya naman ay bibiko." Sabay turo ko kay Forest.

"HAHAHAHAHA." Tawanan nilang lahat.

Namula naman si Forest at dali-daling napatakip sa mukha niya. "Tiklop naman pala kapag tinawag na baby." Sabi ko sa kanya.

"You got me there." Forest said.

"Here's the softdrinks, bagay na bagay sa biko. Parang ako bagay kay Mojito." Peanut said.

"HAHAHAHAHA." Tawanan naming lahat.

"Hala, namumula si Kuya Mojito." Pang-aasar ni Bacon habang nilalantakan namin ang biko.

"Hindi ah! Blush-on lang 'yan." Pagtanggi nito.

Masaya naming kinain ang dala ng tatay ni Bacon habang nag kukwentuhan at aasaran. Dahil sa kanila, hindi ko nararamdamang mag-isa ako sa buhay. Mabuti na lang at tama ang disisyon kong pumunta dito sa cebu. Mabilis lang din naman na natapos ang araw namin sa office.

Kinagabihan, niyaya namin sila Mojito at Peanut sa basketball court para maging scorer naming dalawa ni Forest. Ngayon kasi namin napagpasyahan na maglaro. Naipareserved naman namin ang buong court kaya solo namin ito ngayong gabi. Kasalukuyang nagwa-warm up kaming dalawa ni Forest habang sila Peanut at Mojito ay naglalaro sa court ng shooting.

"Are you ready to lose?" Forest asked while smirking.

"No. Are you ready to lose?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.

Humalakhak naman ito sa sinabi ko. "You sure you want to fight me? I'm the captain of our basketball team." He said proudly.

"Puta." Wala sa sariling napamura ako.

"Bakit hindi mo sinabi?!" Angil ko sa kanya.

"You didn't asked." Forest said.

"Argh. Tigilan na lang kaya natin 'tong kalokohan na 'to?" Kabado kong sabi sa kanya.

"Nah-uh. No turning back." Forest said.

I saw how the corner of his lips quirks up while streching.

"Game na ba?" Mojito asked.

Nakalapit na ito samin habang hawak-hawak ang score board.

"Game na nga!" Nababadtrip kong sabi sa kanila.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now