Chapter 8

94 8 3
                                    

Yleign Pov:

"Hey? Are you mad parin sa'kin?"

Hoy! Ang conyo!

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paghiwa sa mga sangkap habang si seb naman ay kahapon pa nangungulit.

2 days ko kase syang di pinapansin. Bahala siya! Pinagkalat ba naman sa mga kapit bahay namin na boyfriend ko daw sya, akala ko kay Shan lang niya sinasabi yun. Pero sa iba rin pala.

Natapos ko nang hiwain ang bawang at i susunod ko na ang Sibuyas.

"Hey, mi amor? Sorry na kase." Pangungulit nya sa'kin pero hindi ko parin sya pinapansin.

Ayaw ko nga! Kiss mo na. Char!

"Ayaw mo akong pansinin ah?" Rinig kong bulong nya kaya tiningnan ko sya at baka may gagawin na naman ito ng kalokohan.

Lumaki bigla ang mata ko nang maramdaman ko ang pagtaas ko at doon ko lang napalaman na binuhat pala ako ni seb na parang sakong bigas.

"Hoy, giatay!" Mura ko dahil sa gulat.

"Gotcha, Mi amor hindi mo ko papansinin ah." Natawa sya sa ginagawa nya habang ako naman ay mas lalong dumadagdag ang inis.

"Seb, pag hindi mo ako ibaba hawak-hawak ko pa ang kutsilyo baka gusto mo ikaw ang hiwain ko." Banta ko sa kanya pero parang wala syang narinig kaya mas lalong dumadagdag ang aking inis.

"I really don't want to, even if you cut me, I won't let you down." Saad nya.

"Gusto mo bang hindi kita papansinin ng ilang---" Nabigla ako nang mabilis nya akong binaba.

"Here, mi amor binaba na kita pansinin mo na ako ah?" Saad nya habang nakanguso. Napairap nalang ako nang aking mata

Nagpapacute pa kala mo naman madadala ako sa. Ang cute nya shet!

"There you go, you're going to ignore me again." Malungkot na saad nya habang nakayuko at umaaktong nalulungkot.

Ano ba yan! Hindi lang Pinapansin pero maka react daig pa sinermonan! Hayst pasalamat ka gwapo ka-- hoy! Nadulas.

"Tigil-tigilan mo ako seb, wag mo'kong idadaan sa palungkot-lungkot effect mo dahil hindi tatalab yan." Saad ko at pinagpatuloy nalang ang nasimulang paghihiwa.

Hindi ko naman sya narinig na nagsalita pa kaya sinawalang bahala ko nalang iyon.

Tok! Tok! Tok!

Bigla akong nakarinig ng katok sa pintuan kaya sinenyasan ko muna si Seb na siya muna ang magbukas nun dahil busy ako.

"Paki bukas nang pintuan seb." Saad ko habang hindi nakatingin sa likuran ko.

Wala naman akong narinig na sagot kaya tumingin ako sa likod ko at walang bakas na Seb ang nakikita ko kaya nagtaka ako.

Saan nag punta yun?

Nagbikit balikat nalang ako tsaka umalis na muna sa kusina para pagbuksan kung sino man ang kumatok.

"Oh, kuya chad ikaw ho pala." Saad ko nang binuksan ko ang pintuan at nakita si kuya chad.

"Oo, ako nga lyn may gusto lang Kase akong sabihin." Saad nya.

"Oh ano naman po yun kuya chad?" Tanong ko.

Kitang-kita ko naman ang saya sa kanyang mukha kaya mukhang masaya ang Sasabihin nya sa'kin.

"A-ah eh, birthday kase nang anak ko sa sabado kung pwede imbitahin ko kayong dalawa ni Sebastian." Ani nya na ikinagulat ko.

In The Stillness Of Eternity (El Eligido Series #1)Where stories live. Discover now