Chapter 4

8 0 0
                                    

A WEEK BEFORE...

"You're fired." Seryoso at malamig na sabi ni Gabriel sa taong pumasok sa kanyang opisina, pero ang mga mata ay nasa screen pa rin ng kanyang laptop nakatingin.

Marami na siyang sinisisanting empleyado ngayong araw dahil sa pagiging incompetent ng mga ito. Umiiyak at nagmamakaawa pa sa kanya but hell, he doesn't care.

Is he selfish? Yes, he is, and he knew that already.

Sa lahat ng ayaw niya ay iyong mga taong tatanga-tanga, na kahit sa simpleng instructions lang ay hindi pa makuha.

"Well, sorry, dude. I am not your employee here."

Mula sa screen ng kanyang laptop ay napaangat ang tingin niya sa taong may lakas ng loob na pasukin ang opisina niya.

"What do you need?" tanong niya sa pinsang si Reid.

Umupo ito sa katapat niya. Napataas pa ang kilay niya. Himala at napadpad ito ngayon dito sa Maynila. Taong bukid kasi ito at allergy ito sa mga matataong lugar.

So, why is it so sudden he is here?

"Hey, why so grumpy at this young hour, dude? And what happen? Bakit maraming empleyado na naman ang umiiyak na lumabas sa building mo?"

"I don't—"

"Want an incompetent employee inside my company." Tuloy nito sa dapat niyang sabihin sana rito. "I already know that." Reid added then chuckle with no humor.

Hindi na lang siya kumibo dahil mukhang memorize na nito ang linya niya sa tuwing may sinisisante siyang empleyado niya.

Hindi man ito madalas niyang kasama pero alam nilang magpipinsan ang likaw ng mga bituka nila sa isa't isa.

Anong ayaw nila at gusto nila, alam nila iyon bawat isa sa kanila.

"Anyway, I'm here to remind you our meeting at De Sandiego Tower." Imporma nito. "I have to go and... oh, don't be too harsh, dude. Baka mawalan ka na ng employee na tapat at loyal sa trabaho."

"Tsk. Look who's talking," balik niyang sabi rito. 

Pero nagkibit-balikat lang ito at lumabas na ng kanyang opisina.

Iiling-iling na ibinalik na lang niya ang atensyon sa ginagawa bago pa man ang pinsan pumasok. Kung ugali ang pag-uusapan mas malala ang isang iyon.

Reid Hunter De Sandiego is a ruthless, crude rancher and businessman. The most ruthless and crude among them.

Pagsapit ng 2 o'clock ng hapon ay nasa daan na siya papunta sa De Sandiego Tower.

Ito ang nagsisilbing connection nilang sampu. Halos hindi na kasi sila magkikita-kita dahil sobrang busy nila pero kapag may meeting sila ay saka lang sila magkikita-kita dahil takot naman ang mga ito na mabawasan ng milyones ang mga pera ng mga ito.

Blame Atty. Clifford Augustus De Sandiego, their late grandfather, for this.

Kapag isa sa kanila ay wala, kailangan nitong bayaran ng one million kada isa sa kanila na naroon, serve as fines.

Hindi siya natatakot na mabawasan ang pera niya dahil wala naman siyang pakialam sa pera. Wala lang talaga siyang importanteng ginagawa at gusto rin niyang makasama ang mga pinsan.

Nasa parking lot na siya ng De Sandiego Tower at lalabas na sana siya ng kanyang sasakyan nang makita niya ang kapatid na si Scarlett kasama si Yelena at isa pang babae na hindi naman niya kilala. Sa leeg ng babae ay isang dslr camera.

What are they doing here?

Napakunot ang noo niya nang makita niyang pinigilan ng babae ang kapatid niya sa paglalakad kaya napahinto ito pati si Yelena.

The Self-Centered Billionaire (Will and Testament 5)(SOON)Where stories live. Discover now