Teardrops On My Guitar

76 6 2
                                    

This one shot is dedicated to bealyanna236

Ang saya saya niya.

Yun ang una kong naisip nung nakita ko siya. Masakit man sa damdamin, wala akong magagawa. Kasalanan ko din naman ito. Ako ang nagtugpo sa kanilang dalawa. At ngayon, ako ang nagdudusa sa mga ginawa ko.

Totoo ang sabi nila, mahirap ang magmahal ng patago dahil patago ka ding nasasaktan. Bawal ko naman ito ilabas, magkakaproblema pa.

At kahit ilabas ko pa, wala din namang mangyayari. Iiwasan niya ako. At mas lalong sasakit pa ito.

Best friend lamang ako ni Martin Santiago. Isang lalake na di naman kagwapuhan. Madaming pimples pero sikat. SSG vice president kasi siya dito sa campus namin. Joker to. Hindi halata pero pag lapitan mo ang mukha, chinito. Oo na, nagsisinungaling na ako na di siya kagwapuhan, gwapo siya oo. Pero sagabal lang yung pimples niya. Classmate ko din siya. At nasa Grade 10 na kami.

Ako naman si Jovelyn Martinez. Kilala ako, pero halos hindi napapansin. Pwede ba yun? Oo. Maganda? Hindi. At may eyeglasses na ako kaya sabi nila, mas pumanget pa ako. At sobrang liit ko. Kung ang height ni Martin ay 5'8, hanggang braso lang niya ang abot ko. Kaya tawag niya sa akin ay pandak. Palagi kaming magkasama tuwing recess. Pero madalas nalang nung na-elect kami as SSG last year at naging effective yun ngayong Grade 10 na kami. Grade 10 representative ako at Vice siya. Kaya palagi niyang kasama ang President na si Paolo at yun na ang bagong bestfriend niya.

"Oy Pandak!" Tawag niya sa akin nung papalabas na ako ng gate. Dismissal na kasi ng Afternoon classes. At kahit nakatalikod ako, alam kong siya yun kasi siya lang naman ang binibigyan ko ng karapatan na tumawag sa akin ng Pandak. Nadidiretso kasi sa hospital ang ibang tumatawag sa akin ng Pandak. Hehe joke lang :)

"Oh?" Nakangiti kong sabi. Plastic na kung plastic.

"Alam ko yang ngiti mo. Ano nanaman ba ang problema ha? Jordan problems?" Inakbayan niya ako. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at napangiti ako. Totoo na ang ngiting ito.

"Sabi ng hindi ko gusto si Jordan eh!" Palagi kasi niyang sinasabi na gusto ko si Jordan dahil kung makatingin ako sa kanya, may halong love daw. Siguro yun ang time na magkatabi sila ni Jordan.

"Sus Pandak. Bahala ka nga. Deny ka ng deny. Obvious ka eh. Basta remember, PATIENCE." Sabi nito at enimphasize ang word na patience.

"Try mong sabihin yan sa sarili mo. Ang bata pa nga ni Alyna tas liligawan mo? Mar, grade 7 palang siya."

"Che. Sama ka bukas?" Tanong nito.

"Anong gagawin bukas?"

"Uuwi si Alyna, sabado kasi. Maliligo ang barkada niya at pinapasama ako. Sama ka naman oh!" Pagpupumilit niya.

Si Alyna... Siya yung babaeng tinutugpo ko kay Mar. At oo, tama ang sinabi ko kanina. Grade 7 palang siya. Linigawan na siya ni Mar pero di pa siya ready. At ngayong magtatapos na ang klase, nagplaplano siyang ligawan ulit si Alyna.

"Mag-aaral pa ako para sa finals. Ikaw nalang." Paliwanag ko. Alam niya kasi kung gaano ako kaseryoso sa pag-aaral. Gusto ko kasi imaintain ang grades ko dahil magtatapos na ang klase. Ayaw kong palitan ang pwesto ko sa pagkafirst honor, dyan nalang ako magaling.

"Studious masyado eh. Learn to enjoy sometimes." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

"Palibhasa wala kang parents na kukuhain ang enjoyment mo pagbumagsak ka." Pagtataray na sabi ko na agad ko namang pinagsisihan.

"Woah, woah. Walang ganyanan, bes ha. Namemersonal ka na! At hindi sa wala na sila, busy lang noh!" Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako ng masama.

"Ikaw kasi eh. Sorry na. Basta final, ayaw ko." Panunuyo ko.

"Okay fine. Basta bawi ka sunod ah! Send my regards to tito and tita. Ingat!" Sabi niya at pinaandar ang scoopy niya at umalis na.

-

Today is Saturday. At gabi na. Kakatapos ko lang mag-aral ng tatlong subjects. Tinignan ko naman ang cp ko. May nakalagay na '3' sa messaging app. Binuksan ko 'to. Lahat galing kay Mar.

Bes Pandak.

Hoy Pandak!

Reply ka naman oh. Kelangan ko ng kausap ngayon :(

Diretso ko siyang tinawagan.

"Bes?" Sabi ko.

"Oh Pandak! Hello." Ang saya ng boses niya. Pero halatang lasing.

"Asan ka?" Nag-aalala na ako. Sinabi ko kay mama na pupuntahan ko muna si Mar dahil may kailangan akong kunin. Pinayagan niya naman ako pero mag-ingat daw ako. Hindi din naman kalayuan ang bahay nila Mar. Pinaandar ko ang motor namin at nagmadaling pumunta sa bahay ni Mar.

"Andito ako sa... Ahm. Ah! Sa hideout natin alam mo ba yun? Dito sa beach na may buhangin!" Nag-aalala na talaga ako. Malayo-layo kasi ang beach dito sa bayan at medyo nakakatakot ang daan papunta doon. Pero wala na akong pakialam. Nagdali dali akong pumunta doon. Pero hindi masyadong mabilis ang takbo ng motor. Ayaw ko kasing madisgrasya.

"Dyan ka lang Bes ah?" Maluha-luha kong sabi.

"Bakit Bes? Iiyak ka ba? HAHAHA. Iyakin amp." Nakarating na ako sa daanan papunta sa beach. Pumasok ako dun at pumunta sa cottage na palagi naming tinatambayan ni Bes. Wala namang bayad. At napansin ko na nagtawagan kami ng Bes. Nung huli kasi niya akong tinawag na Bes ay nung hindi pa kami SSG.

"Bes!" Nakita ko siya at ang mga bote ng alak.

"Anong ginagawa mo dito Bes? Tara inom ka oh!" Binigay niya sa akin ang baso niya na may lamang alak. Ininom ko ito at lumapit sa kanya.

"Bes panget ba ako?" Tanong niya. Napangiti ako.

"Gwapo ka bes."

"Sinong mas ma gwapo sa amin ni Victor? Bakit siya ang pinili ni Alyna bes?" Tanong niya at uminom naman ng alak. "Ang sakit dito bes." Tinuro niya ang puso niya.

"Siguro bes ginawa yun ni God dahil alam niyang hindi kayo para sa isa't-isa." Pagcocomfort ko sa kanya. Baka tayo ang para sa isa't-isa.

"Bes... Kantahan mo nga ako. Yung palagi mong kinanta." Binigay niya yung gitara niya sa akin.

"Drew looks at me, I fake a smile so he won't see." Nung time na yun na narealize ko na mahal ko siya, hindi na palaging totoo ang mga ngiti ko. At nung time na yun, nahulog na din siya kay Alyna.

"Drew talks to me, I laugh cause it's so damn funny. That I can't even see, anyone when he's with me." One time nag-uusap kami, siya lang ang nakikita ko. Nawala yung pakialam ko sa iba, nasakanya lang ang focus ng mata ko. Siya lang yung clear. Nakasuot naman ako nun ng eyeglasses. At dun ko napatunayan na totoo pala ang mga sabi ng fictional novels.

"He says he's so in love, he's finally got it right." Naalala ko din yung mga posts niya na lahat about kay Alyna. Naiyak nga ako minsan habang kinakanta ko ito sa kwarto ko.

"Drew walks by me, can he tell that I can't breath?" Nung acquaintance, sobrang gwapo niya. Nakatulala lang ako nun. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at hindi ako makahinga. Hindi ko kasi mabitawan ang hininga ko.

"Cause he's the reason for the teardrops on my guitar." At tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan ko ito.

"Alam mo Bes, may narealize ako." Sabi nito.

"Ano yun Bes?"

"Naalala mo yung time na sinabi mo sa akin na gusto mo si Paolo?" Bumilis ang tibok ng puso ko. "Diba nung kinabukasan, may pasa ang bibig ni Paolo? Kasalanan ko yun. Nagalit kasi ako nung sinabi mo yun. At ngayon alam ko kung ano ang galit na yun. Selos."

Natulala ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bes. Gusto kita. At ang tanga ko dahil sinaktan ko ang isang tulad mo. Sorry Bes. Pero pangako, hindi na kita sasaktan ulit. Pasensya at ngayon ko lang na realize."

-End-

Teardrops On My GuitarWhere stories live. Discover now