KABANATA 01

4 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 04
'RIGHT AFTER THE STORM'

KABANATA 01

"Kuya, kailan ka ulit babalik dito?" Tanong sa akin ni Lala habang inaayos ko ang gamit ko. Paalis na ulit kasi ako papuntang Cavite. Nang makatapos kasi ako ng first year ay bumalik ako rito sa Batangas para tumulong kila Mama dahil sayang din ang araw dahil bakasyon naman.

"Kapag bakasyon na ulit si Kuya, uuwi ako rito." Sagot ko kay Lala sabay gulo sa buhok nito. Napabusangot naman ito dahil sa ginawa ko.

"Kuya! Yung buhok ko!" Reklamo nito na tinawanan ko lang naman.

"Ayos na ba ang mga gamit mo? Andyan na ang hiniram na tricycle ng Tito mo para maihatid ka sa terminal sa bayan." Sabi ni Mama nang makapasok ito sa kwarto naming magkapatid.

"Ayos na po, Ma. Sigurado po ba kayo na hindi niyo po kailangan ang tulong ko rito? Pwede naman po akong tumigil muna —"

"Larry anak... Ito na nga lang ang maibibigay namin sa'yo ipagkakait pa ba namin ng Papa mo? Huwag mo kaming alalahanin dito, ayos lang kami." Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko iyong narinig ko sa kanila ni Papa bago pa ako makatuntong sa first year college. Para yong sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa isipan ko.


"Sigurado po kayo Ma, ah? Sabihan niyo lang po ako kapag kailangan niyo ako rito, pwede naman po akong tumigil muna kung hindi na po talaga kaya." Sagot ko kay Mama dahilan para yakapin ako nito. Ang kasunod noon ay ang mga hikbi na nagmula sa kanya.

"Kaya naman anak. Kakayanin namin ng Papa mo, para sa inyo." Sabi ni Mama sa kabila ng mga hikbi na pinapakawalan niya.

Isa at kalahating oras bago ako makarating sa dorm na tinutuluyan ko. Mukhang nauna na sa akin dito si Lucio dahil may mga gamit na sa labas. Nang makapasok ako sa loob ay doon ko lang napatunayan ang hinuha ko.

"Kailan ka pa rito?" Tanong ko habang inaayos ang gamit ko sa kwarto.

"Nung nakaraan lang. Lumuwas kasi si Papa sa Maynila kaya sumabay na ako." Sagot nito habang tutok sa librong binabasa niya. Hilig niya kasi ang mag advance study. Sa katunayan nga ay sa kanya ako madalas humiram ng libro kapag hindi ko kayang bilihin.


Mabilis na natapos ang unang semester. Hindi ko alam na habang tumataas ang year level namin ay pahirap na ng pahirap ang mga inaaral namin.

"Pre! Balita ko may pinopormahan ka sa Education department." Bungad ni Jude nang makabalik ito galing sa cafeteria. Kasalukuyan kasi kami ngayong nag re- review para sa long quiz namin mamaya sa major subject. Mabuti na lang at mahaba ang naging vacant namin ngagon kaya may oras pa kami para mag-aral.


"Huh? Sino bang kausap mo?" Takang tanong ni Lucio dahilan para maangat ang tingin ko sa kanila.

"Huh? Akala ko kayo 'yon. Bali-balita kasi na may taga Engineering department na napunta sa building ng Educ para alam mo na, manligaw." Sagot ni Jude na kakamot-kamot pa sa ulo. "Akala ko talaga kayo 'yon. Kayo lang naman may nagugustohan doon."


"Tanga! Sa dami natin sa department naisip mo pa talaga 'yan?" Bwelta sa kanya ni Lucio.


"Saan mo ba nakuha ang balitang 'yan?" Tanong ko, nawala na ang atensyon ko sa inaaral ko nang dahil sa kwento ni Jude.

"Kay Bia, yung Tourism na may gusto rito kay Larry." Sagot nito. Dahilan para makunot ang noo ko.

"Wala naman akong kilalang Bia." Inis na binatukan ni Lucio si Jude.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 14 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Right After The Storm (Chasing Dreams S4)Where stories live. Discover now