Alpha at Omega

1.8K 74 37
                                    

"Mayroon isangdaan at dalawampu't isang dahilan kung bakit hindi para sa iyo ang kwentong ito ngunit may isang rason kung bakit kailangan mo itong basahin."

Hindi sinasadyang natuon ang pansin mo sa unang pahina ng bumagsak na libro habang naglilinis ka ng inyong eskaparate. Dinampot mo ang maalikabok na libro. Pinihit-pihit mo pa iyon, patalikod, paharap at pabaligtad. Kahit anong pilit mong alalahanin ay hindi pamilyar sa iyo ang lumang aklat na ito. Pinagpag mo ang libro at nagsabog sa hangin ang alikabok na kumapit sa iyong ilong. Makailang ulit kang bumahing na animo'y may masamang bagay na nakapasok sa iyong sistema at kailangang mo iyong alisin.

  Makailang ulit kang bumahing na animo'y may masamang bagay na nakapasok sa iyong sistema at kailangang mo iyong alisin

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Sandali mong itinigil ang paglilinis mo. Muli mong binuksan ang libro sa unang pahina. Ang mga salitang iyon ay parang inaanyayahan kang basahin mo ang buong libro. Painot-inot kang umatras patungo sa malambot mong kama . Sumandal ka sa ulunan ng kama at iniangat nang patuluyan ang iyong mga paa. Ipinatong mo ang buo mong katawan sa ibabaw ng iyong higaan at naglagutukan pa ang iyong mga binti.

"Ano naman kayang isang rason na 'yon?" Sa una pa lang na pahina ng libro ay na-intriga ka na. Ano nga namang libro ang babalaan ka sa simulang pahina pa lamang. Sa isip-isip mo ay malamang sa hindi ang librong iyon ay nilangaw sa pamilihan.

Binuksan mo ang libro at nagsimula mong basahin. Sa gulat mo ay hindi iyon inimprenta kung hindi sinulat ng mga kamay. Napakunot ka ng iyong noo at napaisip kung isa ba iyong talaarawan. Kung magkagayunman ay kanino kaya ang librong iyon. Wala naman sa pamilya ninyo ang mahilig gumawa ng mga ganoon. Ipinagkibit-balikat mo na lamang ang bagay na iyon at isa-isang pinadaanan ng iyong mga mata ang mga letrang nakalimbag. Unti-unting nilamon ng libro ang buong paligid mo hanggang sa tagumpay itong papasukin ka sa sarili nitong daigdig.

"Madilim ang kanyang mundo at tanging palahaw at mga tubig lamang na nararamdaman niyang umaagos sa kanyang mga mata ang kanyang kayang isukli sa mga boses na naririnig niya

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

"Madilim ang kanyang mundo at tanging palahaw at mga tubig lamang na nararamdaman niyang umaagos sa kanyang mga mata ang kanyang kayang isukli sa mga boses na naririnig niya. Masakit na ang kanyang likod sa tagal ng pagkakahiga niya. Maya-maya pa ay narinig niyang muli ang mahiwagang boses. Ewan ba kung anong meron sa boses na iyon at kaya nitong pakalmahin ang kanyang kalooban.

"Ay! Umiiyak na naman ang beybi. Kawawa naman 'yan." Wika nito

Kinalong ng Ina ang nagwawalang sanggol at inihiga ito sa kanyang mga bisig.Parang laruang de-susi ang sanggol na awtomatikong humihinto ang pag-uha sa oras na maramdaman niya ang kalinga ng kanyang Ina..."

Alpha at Omega (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang