Chickboy vs. Badboy

3K 37 13
                                    

 AN:

sa mga hindi po magets tong story nito...read niyo muna yung MY FIRST LOVE BROKE MY HEART para hindi kayo malito sa bawat pangyayari dito.... Sa latest ko kasi siya inumpisahan...

pic nga po pala ni Joana sa gilid

CHAPTER 1-THE MESSAGE

JOANA'S POV

"HMPF.!! Akala ko ba itetext niya ko? Pero 9:00 pm na ah! Ni hi. hello o kahit tuldok lang wala man lang akong narereceive galing sa kanya. Alangan namang ako pa ang unang  magtext sa kanya? Hello! babae po kaya ako. nasaan na ang dignidad ko kapag ginawa ko yun noh! Parang ang cheap cheap ko namn kapag nagkataon. May pa I'll text you later, I'll text you later  pa siyang nalalaman tapos...tapos........."

"hep..!hep.!hep..!! teka nga! Tumahimik ka nga muna! Daldal ka ng daldal eh.! Ni hindi ko nga kilala kung sino yang tinutukoy mo!" reklamo sakin ng pinsan ko.Si Nimfa.

Si Nimfa ay ang aking best pinsan ever..!!!! Cousin ko na bestfriend ko pa! oh san ka pa? Magkasama kaming dalawa dito sa condo ko pero siyempre share kami sa mga bayarin dito. Dalawa naman ang kwarto dito pero mas prefer namin  ang matulog ng magkatabe. Magkasundo kami sa lahat ng bagay kasi parehas kami ng ugali pero yung kanya kaylangan mong lagyan ng word na "mas". Mas makulit,mas madaldal.mas maloko,basta mas siya sakin. Pero kapag talino na ang pag-uusapan,pantay lang kami. Parehas kaming honor student.

"Si Seth nga..!! ang kulit mo naman eh.!" pinanlakihan ko pa siya ng mata.

"Si Seth nga.(ginaya niya pa ang boses ko)---- eh ngayon mo lang naman sinabi yung name nya eh.Shunga lang teh? Adik? tuleg??"

okay ako na nga ( _ _ ")

"ah..ganun ba..."

"teka nga, pano mo ba nakilala yang Seth na yan ha?" mukang nacurious ang loka.

" ganito kasi yon..." dumapa pa ako sa kama para mas masarap ang pagkukwento ko.

FLASHBACK

"Ate, isa nga pong carbonara tsaka iced tea..." pag-order ko ng lunch ko.

"oh heto oh...isang carbonara at iced tea...." iniabot naman sakin ni ate yung order ko.

"thank you ate.."

Habang dala-dala ko ang foods ko,humanap naman ako ng mapupwestuhan ko.

Look to the left, look to the right.

Ngek.!! puno na.. T____T Saan ako kakain nito? sa lapag?

BAD TRIP NAMAN OH..!!!

"Joey..!" napalingon naman ako mula sa likuran ko. Doon ko nakita si Andrea kasama ang fiancee niyang si Ruselle.

"dito ka na kumain.." kumaway pa si Andrea sakin.

Hahay..!! My savior..!! akala ko sa lapag na ako kakain eh... Buti na lang nandyan si Andrea^__^ Ang bait talaga non.! Si Andrea ay kaklase ko sa apat na subjects. Matagal ko na siyang napapansin pero last week lang kami naging close. Ang gaan-gaan nga ng loob ko sa kanya ee, kasi may pagkakahawig ang ugali namin. Ang ipinagkaiba nga lang namin, vocalist siya ng banda nila habang ako naman ay isa sa mga dancers ng Unbeatable Movers. "Sis" din ang endearment namin sa isa't-isa. Joey naman ang nickname ko..Oo alam ko po na malayo siya sa real name ko pero..wala na nakasanayan ko na siya ee.

Masigla naman akong lumapit sa kanila.

"oy,thank you sis ah..." pagpapasalamat ko sa kanya habang nilalapag ko ang foods ko sa table nila.

Chickboy vs. BadboyWhere stories live. Discover now