Christmas Mourning

384 6 0
                                    


*If I could have just one wish, I would wish to wake up every day to the sound of your breath on my neck, the warmth of your lips on my cheek, the touch of your fingers on my skin, and the feel of your heart beating with mine, knowing that I could never ever find that feeling with anyone other than you.

- Anonymous


Merry Christmas, everyone!

Happy Holidays to all! Don't forget to attend mass with your families and greet Jesus a happy birthday!

Happy Birthday, Jesus! And Merry Christmas to all!


Iyan ang ilan lamang sa sandamakmak na Christmas greetings na natanggap at nabasa ko nang tingnan ko ang inbox ng cellphone ko no'ng umagang iyon.

Napabuntong-hininga ako at ipinatong muli sa bedside table ang cellphone ko, pinaplanong magbigay na lamang mamaya ng isang general reply sa lahat ng mga bumati sa akin. Dagling napunta ang aking titig sa litratong nakapatong din doon pagkatapos, at isang malalim na buntong-hininga ang muling kumawala sa aking bibig.

Sadyang napakabilis talaga ng panahon. Hindi ko man lang namalayan na dumating na pala ang araw ng kapaskuhan. Hindi ko man lang namalayan na dumating na pala ang araw ng ika-dalampu't anim na kaarawan ni Seth. At hindi ko man lang namalayan na dumating na pala ang araw ng ikaanim naming anibersaryo bilang magkasintahan.

Pagkaraan ay may namuo ring ngiti sa aking mga labi nang aking mapagtanto na magkikita pala kami mamaya, at hindi ko mapigilang masabik no'ng mga oras na iyon lalong-lalo na dahil halos isang buwan na ang lumipas simula no'ng huling beses na kami'y nagkita.

Agad-agad akong tumungo sa banyo upang maligo, at no'ng tapos na akong mag-ayos ay dumiretso na ako sa silid-kainan upang mag-almusal.

"Merry Christmas, Anak." Sabay na bati sa akin nina Mama at Papa, na parehong nakaupo sa hapag-kainan at kumakain.

"Merry Christmas din po sa inyo." Sambit ko naman, sabay lapit sa kanilang dalawa at lapat ng halik sa kanilang mga pisngi.

Pagkatapos ay tumungo na ako sa aking pwesto at nagsimulang maglagay ng pagkain sa aking plato.

"Aalis ka ngayon?" Tanong ni Papa nang kanyang mapansin ang aking suot.

Tumango ako nang konti, muling napapangiti.

"Magkikita po kami ngayon ni Seth."

Dagli naman silang napasimangot ni Mama nang marinig ang aking sagot.

"Anak, alam mo naman na dapat na─" Simula ng sigurado akong magiging pagtutol ni Mama, na agad kong pinutol sa pamamagitan ng pag-iling sa kanyang gawi.

"Sandali lang naman po yun e. Tsaka kailangan ko po talagang makipagkita sa kanya lalong-lalo na dahil birthday niya ngayon at sixth anniversary na namin." Pagpupumilit ko.

Hindi pa rin nawala ang mga simangot sa mga mukha ng aking mga magulang, pero buti naman at pawang isinasaalang-alang rin nila ang kasalukuyang disposisyon ko. Mamaya-maya ay nagtinginan sila saglit at parehong tumango, na para bang nagkaroon na sila ng isang silent agreement. Nagbuntong-hininga si Mama, at pagkatapos ay inilapat niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng isa sa mga kamay ko.

"Sige na nga, hahayaan ka na naming makipagkita sa kanya ngayon kahit panandalian man lang." Pagsang-ayon na rin niya.

Muli akong napangiti at pareho ko silang niyakap nang mahigpit.

Loved and LostWhere stories live. Discover now