CHAPTER 1

16 0 0
                                    

"Sus. Eto ang sinasabi ko sayo. Katulad lang rin yan ng mga nanloko sayo. Iiwan ka rin niyan kung sakali." -Bumalik ang katinuan ko nang marinig ko ang sinabi ng pinsan ko.

"Palibhasa kasi, ganoon ang nangyayari sayo Trish. Paanong magkakaron ka nang maayos na relasyon eh napakamapili mo sa lalaki. HAHAHA." -Pagtapos kong sabihin yun sakanya, dali dali nakong umalis nang bahay at paniguradong malapit nakong malate sa klase.

'Hala hala. 6:45 na. Takte.' Bulong ko sa sarili ko habang unti unting tumatakbo na parang naglalakad lang din. Bigla nalang akong napatigil nang nagvibrate ang cellphone ko. 'OY HANNAH YUNG FOOD COLORING AH. DON'T FORGET HABANG NASA LABAS KAPA NG SCHOOL.' Galing yung message kay Mary.

Anak ng seahorse naman. Bakit nakalimutan ko yun bilhin kahapon. T.T sakto namang may dinaanan akong bilihan ng pwedeng pagbilhan nun. 5 minutes nalang at late nako. Kaya tumakbo nalang ako since 30 steps nalang ay school na namin.

"FINALLY!" Bulong ko sa sarili ko habang natatanaw ko na ang gate ng school.

Pagkapasok ko tinignan ko ang school council namin at tinanong kung late naba ako. ''Hindi pa Ms. Dela Cruz. 10 mins pa bago mag 7.'' NapaAHH nalang ako at naglakad.

Habang naglalakad sa hallway dala dala ko ang ngiti kasi hindi pa nga ako late. "Ay puta." Napamura nalang ako nang banggain ako na isang elem na estudyante. Kinaladkad ba naman niya yung bag niyang may gulong sa paa ko. Masakit kaya..

Paakyat nako ng hagdan at minamasdan ang mga janitor na inaakyat ang mga bag ng elem students. Duty nila yun.

Nawala ako sa sarili at nakayukong umaakyat nang hagdanan. At heto nako't nasa classroom na. Natanaw ko bigla ang bestfriend kong si Anj. Siya talaga ang una mong mapapansin dahil lagi siyang nakangiti. At napakarami pa palang wala sa classroom namin. Siguro nasa 24 palang kaming nandito. Out of 35. Late nanaman siguro sila. Eesh.

Hannah Ruika B. Dela Cruz. 15. 2nd Year HS/Grade 8. There's nothing special in my personality. Maingay, makulit, madaldal. Ganyan nila ako i-describe. At aminado naman ako dun.

"Hey ika. Kamusta naman yang pagbaboy sa notebook mo?" 'IKA' ang tawag sakin ni Anj. Sila sila lang mga kaibigan ko ang tumatawag sakin niyan. At napansin ko ngang sa kalutangan ko.. Nababoy ko ang isang page ng notebook ko.

"Ay. HAHAHA. Wala akong magawa eh. Bwisit no. Nahiwalay ka nang row samin nila kaye." -2nd Quarter na kasi kaya nagkaron na nang bagong arrangement. Nung 1st Quarter kase magkakatabi kami. Ngayon hindi na. Gustong gusto ko talaga makatabi si Anj. Hindi lang dahil sa bestfriend ko siya. Matalino kasi siya at kapag hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ng teacher namin, nagpapaturo ako sakanya. Kapag wala akong ballpen, siya nagproprovide. Kapag nagugutom ako, ilalabas niya yung pagkain niya. Nakakatuwang magkaron ng ganong kaibigan no?

[FASTFORWARD]
"Ok class. Fall in line outside. Keep right when going down the stairs. Single line lang ah." -Sabi ni Mr. Sy. Shems napakapogi ng teacher nato. At take note SINGLE ang fafa.
.
Nakasabay naming bumaba ang 1st year, 3rd year at 4th year. Eto naman kasing si Principal eh. Pinagsabaysabay lahat ng levels ng breaktime. Muka tuloy LRT ang pila sa canteen. Pero buti di ako nagugutom. At mambuburaot nalang ako tutal nasa 15 naman ang mga kaibigan ko. hehe.

"uy Ika, pipila lang kami ah. Maiwan ka muna dito. Tutal parating narin naman yung iba." -pahabol na sabi ni Kaye at tumango nalang ako at naiwan sa table namin.

Di nagtagal dumating narin yung iba. Saming magkakaibigan 3 lang kaming babae, the rest puro lalaki na. At syempre pumila yung dalawang babae.. Ako lang naiwan rito at halos lahat nang lalaki nandito na.

"luh p*ta to si Chad oh"

"oy penge ako. Oh kahapon nilibre kitang Isaw diba"

"Painom naman ng tubig mabibilaukan ako nito"

"Kamusta na pala kayo ng syota mo?"

"Asan naba sila Kaye? Wala nakong makuhaan ng supply ng pagkain."

"hay nako mananahimik nalang ako"

"Pakshet naman naiwan ko yung wallet ko sa taas."

"Nakita niyo ba bench and bath ko?"

Yan ang mga ingay na naririnig ko kapag kasama ko sila. At nakikisabay narin ako sa ingay nila kasi minsan lang to mangyari na makasama ko sila. Yung murahan. One of the boys ako pero iniisip nang iba na nilalandi ko sila. Hello po tropa lang. At may sarisarili silang mga mundo at lovelife.

"Hay nako asan naba sila puntahan ko na nga." -umatras ako at tatayo sana nang may nabangga pala ako sa likod na nakaupo rin. Nako namannnnn. Ang dikit naman kasi ng upuan nila samin.

"Ay kuya sorry po." -nginitian niya lang ako. At di nalang ako tumayo kasi lahat ng kaibigan nung lalaki nakatingin sakin. Jusko para naman akong nakapatay ng tao.

*RINGGGGGGGGGGGGGGGGG*
Nagring na ang bell at sakto dumating na sina Kaye at Anj. Umalis narin yung mga nasa likod namin kaya tumayo narin ako. Sa gymnasium kami pumunta after nang kunin laht ng gamit sa locker at pipila na. Dun kase kami susunduin ng mga teachers namin after lunch or recess.

"Uy ika. Tignan mo yun oh. Nakatingin sayo kanina pa." -narinig ko lang sinabi ni Anj yun nang makalabas na kame ng gym at lumingon lang ako nang makapasok na kami sa academic building.

"Ha sino?" Di niya rin ako narinig sa dami ng tao sa hagdanan, napaghiwalay na kaming magkakaibigan.

Pagkaakyat namin.. "Uy pre sino yung sinasabi mo?" Tanong ko kay Anj. "di wala. Kalimutan mo na yun. " at tinapik niya ako sa balikat at umupo na siya sa upuan niya.

-Hayaan mo na nga. Tsaka baka akala lang ni Anj na saakin naka tingin.

The Missing Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon