Chapter 1- Beginning

7.2K 163 2
                                    


RJ's Pov

" RJ !!!! " Nagulantang ako mula sa paglalakad ng may sumigaw ng napakalakas ng pangalan ko.

" Ayesha ! Bunganga mo naman ! " Sita ko. Napaka bungangera talaga nitong pinsan ko.

" Sorry "

" RJ ! " Napalinga ako sa tumawag sa pangalan ko. We did our usual handshake.

" Kailan game? " Tanong ko.

" Next week pa " Sagot ni Tristan Pagkatapos uminom ng energy drink.

" May makakalaban tayo " Singit naman ni Liam habang inaakbayan si Ayesha( Girlfriend niya ). Anak siya ni Tita Elle and Tito Nic na best pal's ni Mama tsaka ni Papa.

" Oh ? Sino ? " Nakangiting saad ko. HAHA After 3 weeks sa wakas. Pinagbabawalan na kasi ako ni Papa kasi di daw pwede sa akin kasi nga " Babae ako ".

" Taga kabilang school e " Sagot naman ni Mandy ( Lalake po siya ). Anak naman siya ni Tita Marie and Tito Dane.

" Magkano yung pusta ? " Eto lang naman habol ko sa Basketball e yung PUSTA minsan malaki, minsan naman tama lang. Hindi kami pumapayag ng laro na limang libo pababa ang pusta excuse me noh ? Kuripot lang ?

" Kinse kada isa Tol ! " Parang may lumabas na bahaghari at nagpuso ang mata ko sa narining ko. 15 thousand each. Dafak ! Hindi ako binibigyan ni Papa ng ganun kalaking pera.

" Panalo tol Game ! " Sigaw ko. Hindi pa naman kami natalo sa basketball e kaya malakas kumpyensa ko ngayon.

" Huy bruha ! " Sita sa akin ni Ayesha.

" Oh ? Problema mo ? " Mataray na saad ko.

" Ganda mo ngayon ah ! Mas malaki pa T-shirt mo kesa sayo " Nagsabayan ang tawanan ng mga tropa ko sa sinabi ni Ayesha sakin. Adik to e laging pinapansin suot ko.

" E kesa naman sayo ano - wala ! Dyan na nga kayo ! "

" Hahahahaha Pikon ka talaga RJ ! " Sigawan nila. Iniwan ko na sila dun naku malelate pa ako.

Sila ang barkada na meron ako. Barkada din nila Mama At Papa ang mga magulang nila.  Except kay Ayesha at Tristan liit na pinsang buo ko.

I am currently in my 2nd year in college under photography.

I've been attached to pictures since birth. Mama said na nasa tiyan pa lang daw kami ni Kuya Cakey ( Zeyki ) nahilig daw siya sa basketball, music, dance and pictures kaya siguro namana ko.

" Pres " Bati sakin ng classmate ko. Yeah I'm the president of the school organization. Malakas tama ng mga tropa ko at ninominate ako, nakisakay naman mga gago kong schoolmate at yun binoto ako. Mga baliw diba ?

Presidente din ako sa photography club na ako mismo ang bumuo para naman maishare namin ang knowledge namin at ang mga bagay na nasa likod ng lenses ng kamera at larawan na hindi nila nakikita. My club have been into many programs inside and outside of the univesity and every year nakasanayan na namin na mag outreach program for 1 whole week.

Suportado naman ako nila Papa kahit saan, basta wag ko lang nilulubos yung katawan ko. Masaya ako kasi nandyan sila lagi, sino ba namang hindi diba ? I mean everybody needs a family right ? I'm just happy kasi sa sobrang sungit, kulit at pikunin ko hindi sila sumusuko. Yung nandyan sila kahit kailan.

Tomboy meets GayWhere stories live. Discover now