A/N: This story is only up to 5 chapters then BOOM! Epilogue na agad. Nag-try lang ako ng short story at gumamit ako rito ng 3rd Persons POV.
~~~~~~~~
05-10-13
CAN'T BUY L♥VE (short story) by: CookieSmasherr/ MarjjMallows
**Prologue
Hindi lahat ng bagay ay pwedeng maibili ng pera, tulad ng friendship....lalo na ang relationship.
Sa totoo lang, pagmamahal lang ng magulang ang hiniling ko pero hindi pa nila ako mapagbigyan. Kaibigan na makakasama at tutulungan ako kapag ako'y nahihirapan.
Hindi sa isang *poof* labas ng pera ay makukuha mo na! Kailangan ipinagdadaanan ang lahat ng hirap kung ginusto mo talaga. Hindi lahat nakukuha kapag gusto mo, na bigla na lang lilitaw ito sa harapan mo.
Kahit mapera ang isang tao, kung wala namang pagmamahal, kulang pa rin ang buhay nito. Kumbaga, sa katawan ng isang tao pag wala kang puso, hindi kumpleto.
"Kung mabibili lang sana ang pagmamahal, siguro naibili ko na...Hindi ehh. God, he never created friends with price tags."
Sana nabibili ko rin ang pagmamahal ng magulang ko, at kaibigan kong uunawain ako. Sana tanggap nila ako sa mundong magulo.
********
CAN'T BUY L♥VE *1*
"ARIANNE!" sigaw sakanya ng kanyang ina, maaga si Arianne nagising dahil ipaghahanda niya ng breakfast ang ina niyang minsan lang umuwi. Lagi kasing nasa Makati ang ina niya, dahil raw sa trabaho. Minsan na nga lang ito bumisita, minsan na nga lang siyang dalawin....Lagi naman siyang sinisigawan okaya naman laging sinasaktan.
"po?" tanong niya sa kanyang ina na naririnig niyang bumababa na sa hagdan.
"Aalis na 'ko" singhal nito sakanya at kinuha ang sling bag sa sofa. Lumapit siya sakanyang ina at niyakap ito na parang pinipigilan.
"Ma, kumain muna tayo.. kakauwi mo palang kanina, aalis ka na agad" marahas tinanggal ni Margareth ang pagkakayakap nito sakanya. "HOY! Arianne umayos ka! Huwag mo akong madikta-diktahan!" napaupo si Arianne sa sahig dahil sa lakas ng tulak ng ina sakanya.
"Mama... nagluto ako ng macaroni, yung paborito mo po" kahit nasasaktan siya sa inaasal ng ina pinilit niya paring ngumiti at nagpakatatag, pinunasan ang nangingilid niyang luha. Ganyan lagi sila ng kanyang ina. Tumayo siya sa pagkaka-upo at hinawakan ang ina sa braso, tinignan siya nito full of disgust. Sa inaasal ng kanyang inang si Margareth ay parang hindi siya anak nito. Matagal na siyang uhaw, uhaw sa pagmamahal ng isang ina na hinding hindi kayang ibigay sakanya ng ina.
BINABASA MO ANG
CAN'T BUY LOVE
Teen Fiction(FINISHED) "Love is a gift. You can't buy it, you can't find it, someone has to give it to you. Learn to be receptive of that gift. CAN'T BUY L♥VE. by: CookieSmasherr *1-5 CHAPTERS ONLY*