26th Scene Di kayo na walang eye bags

12.1K 423 10
                                    

Author's note

Pasensya na poh sa pag hihintay dahil ho sa pag katopak ng aking ipod nawala po ang aking mga files kailangan pa pong idoctor ng aking pinsan para lang bumalik ang lahat, as in lahat poh ng laman ni wattpad ay nawala.

Pero the long awaited moment is over. Makaka pag update na po ako sa wakas. . Kaya uy comment naman jan. . .heheheh pa like nadin. . . Please. . . .hehehehe

~~~~~KARA's POV~~~~~

"Hay nako andito nanaman ang mga feelings" pag lagpas na paglagpas palang namin ni Jen sa kinauupuan nila Angel ay nagparinig na ang mga Plastiks. Kung ano nanaman ang plinaplastik nila ay hindi na namin alam at wala din akong pake alam. Minsan naiisip ko nasa agenda ata nila ang sirain ang araw namin sa pang aasar nila. Which is I don't mind at all, at mas lalong Jen doesn't mind kasi wala naman talagang halos pake alam sa mga bagay bagay ang kaibigan ko.

"Tayo ba ang pinag uusapan ng mga yun?" Tanong ni Jen sa amin ng maka upo na kami sa sarili naming silya. And see what I mean, talagang wala siyang pake alam.

"Be active nga minsan sa mga surroundings mo" sagot ko nalang dito.

"Excuse me! With a capital E, active po ako. Hindi nga lang sa mga ka artehan ng mga ibang tao. Hindi ako nangangailangan ng negativity sa buhay. Lalo na kung sa kanila mang gagaling." Mahabang sagot niya sa akin. Which I can agree, di naman kasi naghahakot ng bad vibes si Jen. Kung kaya niyang iwasan iiwasan niya.

"Tatanungin mo ko. Alam mo naman na mag kaparehas lang tayo ng ugali." Sagot ko sa kanya.

"Anong pinag tatalunan niyo jan?" Tanong ng isang boses sa likuran namin.

"Oh ba't ngayon lang kayo?" Balik tanong naman ni Jen kay Reid na siyang nag tanong kanina.

"Bakit? Namiss mo ko?"

"Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?"

"Hindi pwede. Anong gagawin mo?"

"Gusto mong malaman?" Ano ba naman tong dalawang to nakakahilo. Balik tanong lang.

"Ano ba kayo! Umayos nga kayo. Balikan lang ng tanong ano to Q&Q Wala talagang sagot. Mas maganda nalang na wag na kayong mag kibuan kung ganyan din lang." Sagot ko sa kanila balak pa ulit kasing mag sagutan nung dalawa. "Bangayan ng bangayan nakakastress kayo."

"Hmmpp!" Sabay talikod sa amin ni Jen.

"Hmmpp din ako!" Gaya-gaya talaga tong Reid na 'to.

"Ano? Talo kayo no?" kilala niyo naman na siguro kung sino yan. Syempre ang isa pa sa makulit.

Meron namang biglang lumapit sa akin at pinag katitigan ako. Kaya masyado akong na conscious. "A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko dito habang nilalayo ang aking namumulang mukha.

"Analyzing you!" Pasimpleng sagot ni Ace sa akin.

"And why are you analyzing me?" Mataray kong sagot sa kanya.

"Puyat ka noh!" Sagot niya sa akin na dedma lang ang face.

Letcheng caller kasing yun eh! Yan tuloy halatadong puyat ako. Nakaka inis pa at talagang pinin-point pa ni Ace. Pag nalaman ko talaga kung sino yun, malalagot siya sa akin. Grrrrrrrrrrrrr......grrrrrrrrrr. . . . .

"Natulala ka?"

Nag layo ako ng tingin para hindi mahalata na iba ang iniisip ko. "H-halata ba?"

"Halatang halata" sagot nung iba sa akin.

"Nag mumukha kang si scream"

Ako??? Si scream!!!

"Yung eye bags mo para nang tea bag sa laki"

My girl is a Mafia!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon