You are my Sweetest Downfall (I Loved You First)(one shot)

130 2 2
                                    

BESTFRIEND.

Big word!

yup. Para sakin, Big word talaga kasi siya yung naging parte ng 17 years of existence ko sa mundo.

at sa loob lang ng isang araw, nasira ang pagsasamahan namin na binuo sa loob ng labimpitong taon. 

Si Justin, ang bestfriend ko. Heartthrob kaya madalas pagkaguluhan ng mga babae, at ako ang palaging nagmumukhang P.A. niya kapag kasama siya sa school dahil isa lamang akong hamak na ordinaryong estudyante lamang. Nothing extraordinary. In short.. BORING!!

kaya nabasted ako nyan nung 13 ako eh. (15 sya nun)

Pero dahil sa kanya, pilit kong nag-aayos para bumagay at lumevel naman ako sa kanya kahit papaano.

"Cass, punta tayong canteen ah! Libre mo!hahahhaha!" aya niya habang nakaakbay sya sa akin. wala ng malisya yun kasi nga magbestfriends naman kami pero sa akin, deep inside, masayang masaya na ako. ^o^

"Ah, cge, punta lang muna ako ng comfort room." (-"-)

 “Wag na! Papaganda ka lang kay Carl noh? Tss.. >_>”

Sabi niya habang nagpapacute na ewan. Siguro natural na yung ganun, cute naman kasi talaga siya eh, di ko naman na maitatanggi yun.

Si Carl nga pala ang classmate niya na nanliligaw sakin. Gwapo naman si Carl pero medyo hambog.

Ay! Let me correct it. Ulit. Ulit.

Gwapo naman si Carl pero nuknukan at ubod lang talaga ng kahambugan. Siguro sya na ang hari ng mga hari ng mga ninuno ng mga hambog na nagreincarnate lang sa katawan ng ibang tao para manggulo ng buhay ng may buhay.. I’m so mean! XD

Ayun nga, hambog sya kaya mortal na kaaway ni Justin yun palagi, palibhasa parehas silang hambog, pero sadyang malala lang talaga yung kay Carl.

Mortal enemies sila lalong lalo na sa basketball, MVP kasi si Justin my loves eh.

“hala! Parang tanga ka naman, alam mo naming di ko sya gusto di ba?”

 alam mo namang ikaw parin talaga.

“kasi ako parin yung gusto mo? Ayiee…” opo, inamin ko po yan nung 13 pa ako at 15 sya nun at pagkatapos nun di na sya tumigil sa pang-aasar niya sakin.

Mapagsamantala noh?

“wow! Gwapo mo ah! Ikinagwapo mo yan. Tsss..”

“ I know right! Pero sorry bestfriend, di tayo pwede eh, manliligaw pa ko kay Anne. Sorry Cass pero tutulungan mo pa ko dito diba. “

Ouch noh? Araw-araw na pinamumukha niya sakin na di kami pwede kasi gusto niya si Anne.

Lagi na lang si Anne , si Anne.. tsss…

Si Anne lang naman ang masasabi nating All-in-One package. Ai, di pala, Almost All-in-one package lang kasi Maganda na matalino pa, pero may pagkamasama ang ugali nga lang at yun yung side ne pilit na ayaw niyang tingnan.

Kaya ayoko kay Anne para sa kanya eh. Masyado kasi siyang mabait para sa babaeng yun. Biruin mo, simula nung magtransfer yun sa school namin. About 2 years ago na yun, di na siya tinigilan ni Justin at ako bilang KAIBIGAN lang ang naging tagapili nya ng mga regalo na ibibigay nya kay Anne. Minsan nga iniisip ko na sana para sakin na lang yung mga yun. Ang ilusyonada ko!!! >o<

“Oo na lang.” yun na lang yung nasabi ko kasi ang sakit nun ah! Try nyo.

Pumunta na ko sa C.R at pumasok na sa cubicle.

“Babe, mahal naman talaga kita.”  Teka, si Anne to ah.. Babe? Pero single pa siya. As far as I know, NBSB type of girl pa nga siya eh kasi inuuna pa daw niya yung studies niya. Sino naman kaya kausap nito? Mukhang may kausap sa phone.

You are my Sweetest Downfall (I Loved You First)(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon