BALEWALA

199 2 0
                                    

BALEWALA

Minsan. Kailangan mo rin talagang makiramdam sa paligid mo eh. Kung napapahalagahan o nababalewala ka ba. Mahirap kasi ‘yung bigay ka ng bigay tapos samantalang ikaw wala man lang ni kahit anong nakukuha. Sabi nga eHuwag kang bigay ng bigay, kumabig ka rin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang iintindi, ikaw ang uunawa, ikaw ang magpapakababa. Hindi porket mabait ka e parating ikaw na, dapat balanse, hindi ‘yung puro na lang talaga ikaw.

Porket kasi mabait ka alam nilang kaya mo namang intindihin ang lahat, mauunawaan mo naman kung bakit nila nagagawa ‘yun, mapagpapasensyahan mo naman sila, hindi ka naman nasasaktan at mahal mo naman sila.

Tangena. Ano ka bato? Anong tingin nila sayo manhid at walang pakiramdam? Hindi dapat ganun. Puchaaa. Kadalasan kasi ang nangyayari, kung sino pang madalas na nakapagbibigay nang halaga sa iba siya pa ‘tong madalas na nababalewala at napag-iiwanan. Para bang sa kabila ng kabutihang nagawa mo e kulang pa rin, ‘yun bang hindi pa rin sapat kahit kung tutuusin e sobra sobra ng pagpapahalaga at pagmamahal ang binibigay mo.

Masakit lang isipin na sadyang ganun ang tao. Kapag alam nilang pinahahalagahan sila e nagiging kampante sila, ‘yung tipong kahit na anong gawin nila e alam nilang nandiyan ka pa rin para sa kanila.

Sabi nga ni Papa Jack 

You have to draw a clear line kung hanggang saan ka pwedeng balewalain ng taong pinapahalagahan mo.

Minsan. Lahat ng pagkakataong ‘to, balewala naman lahat ng ‘to eh. Tanging gusto mo lang talaga e ‘yung “Appreciation” ba mula sa iba, na sa lahat ng nagawa mo e nagpasalamat sila. Simpleng pasasalamat e malaking bagay na.

Yung taong binabalewala mo.

Yung taong hindi mo binibigyan ng halaga. Yung taong hindi mo napapansin. Yung taong nasasaktan mo. Yung taong tini-take for granted mo lang.

Sya pa yung handang tumulong sayo.

Sya pa yung handang intindihin ka.

Sya pa yung nandyan para sayo.

Sya pa yung handang lumapit sayo at mahalin ka.

Sya pa yung handang gawin ang lahat para sayo.

Sya pa yung nandyan pa rin sa tabi mo.

Ang swerte mo sa taong ito, dahil sa kahit anong gawin o ipakita mong pagbabalewala sa kanya, nandyan pa din sya para sayo. Pero lahat ng yun sinasayang mo lang dahil hindi ka marunong magpahalaga ng tama. Hindi mo alam yung halaga ng taong ito kaya ayun binabalewala mo lang. Pero dahan-dahan lang sa pagbabalewala. Kasi ang mga bagay na binabalewala mo. Balang-araw ay kakailanganin mo. Ang bagay na binabalewala mo ngayon pag ito nawala, dadating ang panahon na hahanap-hanapin mo din ito.

Sabi nga di ba, hanggat hindi nawawala sayo ang isang bagay, hindi mo malalaman ang halaga nito. Na nasa huli ang pagsisisi. Pero hihintayin mo pa bang magsisi ka sa huli, hihintayin mo pa bang mawala ito? Kung pwede naman na ngayon pa lang ay ayusin mo na ang lahat. Kasi may mga bagay na pag nawala, maaaring hindi mo na ito maibalik. Kaya dapat ngayon pa lang matuto ka nang magpahalaga ng tama at alagaan.

kaya ang natutunan ko ....

Hindi mo kailangang umubos ng limang minuto sa taong hindi ka mabigyang pansin ni isang segundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BALEWALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon