Fourteen Days (ONE SHOT)

18 2 0
                                        

2nd year highschool ako nang magsimula akong magbasa ng mga stories sa Wattpad, isa sa mga nagustuhan kong kwento ay yung "Fifteen Days".

Sabi nila, kapag daw ginawa mong wallpaper ang picture ng taong mahal mo sa cellphone mo at walang nakakita nito within 15 days, magkakatuluyan daw kayo. Teka teka, naniniwala ka ba 'don?

Minsan may nagtapat sakin- June 9, 2012. Hindi naman sa ayaw ko sakanya, pero ang sinagot ko e maghintay muna siya, at sana walang magbago sa pakikitungo namin sa isa't isa. Ilang buwan din ang nakalipas noon at tinanong ko kung saan niya nakuha yung lakas ng loob gayong sa 19 years na pagkabuhay niya, ni minsan hindi pa niya nararanasan ang magtapat sa isang babae. (Torpe kasi) Nagulat nalang ako sa sinagot niya sakin...

"May 26 nung una kong sinubukan yung 15 days gabi na nun eh sabay kumuha ako ng picture sa album mo. Whahaha, parang stalker lang pero ESAYANTAYO kaya simula noon hindi ko na nilalabas sa madla yung cellphone ko kasi baka hindi matupad ung nakasaad sa PROPESIYA. Kaya lang simula noon parang naadik ako sa cp ko panay ang check ko alam ko namang walang nagtext wala lang gusto ko lang tignan yung wallpaper ko.

Minsan pag matutulog ako nakatitig lang ako sa cp ko hanggang makatulog. Katabi ko nga yan sa kama eh pag natutulog FEELER si ako eh. Tapos natutuwa ako minsan naiisip ko tinitignan mo ako kasi kahit saan ako tumingin lalo na pag pinagmasdan ka sa mata parang sinusundan ka.

Naiisip ko nga ren kasi ung napanood ko sa Together Forever pag hinalikan mo yung picture ng isang tao mangangati ung ilong nung taong yun.

Nangati kaya yung ilong mo nun?

Kaya lang itong si Gerald underscore epal, kulugo, lokoloko sarap tadyakan batohan ng granada mukhang unggoy joke. Thank you kay Gerald...

Kung hindi ren dahil sakanya hindi tatatak sa utak ko na dapat akong magtapat sayo kasi kung sakaling hindi niya nakita yung wallpaper ko siguro ganun na lang ako, hindi ako magkakalakas ng loob na sabihin sayo yung nararamdaman ko. Baka umasa na lang ako dun sa 15 days na magkakatuluyan tayo nang walang ginagawang "ACTION" <--- (English)

Nakakakaba pero ayun buti nakaya naman (Kinakabahan paren ako hanggang ngayon pag naalala ko yun) Sa sinagot mo nung gabing yun alam ko ikaw yung taong hihintayin ko kahit matagal pa yan kahit seven years kakayananin ko kasi ikaw yung hinihintay ko. Ikaw yung gusto kong makasama, ikaw yung nagpatibok ng puso ko, ikaw yung taong mahal ko. Kaya ayaw kitang mawala eh sabihin na nilang panget ang pagsasabi sa isang tao na "AKIN KA LANG" pero yun tayo eh. Hindi sa makasarili ako, madamot ako pero kahit minsan lang pwede bang magdamot kahit sayo lang minsan lang naman eh sana mapagbigyan.

Ngayon lang naman ako naging madamot eh sayo lang,

Kasi Mahal na Mahal kita..."

2nd year college na ako at masaya kami ngayon sa relasyon namin. Official na kami at legal pa sa both sides. Napakaswerte ko sa kanya. Hindi pa pala nauubos ang matitinong lalaki.

May 26 nung una kong sinubukan yung 15 days. Saktong isang taon mula noong siya yung nabigong gumawa nun. 14th day na kasi niya noon at di sinasadyang nakita ng tropa niya yung wallpaper ng cp niya. Tanda ko pa noon, June 9 siya nagtapat sakin.

Pero syempre di ako papatalo. Ginawa ko kasing wallpaper ang picture ng taong mahal ko sa cellphone ko at walang nakakita nito within 15 days.

11:11 AM
30 October 2022 | UPDATE

Nagtatrabaho na ako ngayon. 10 years na pala ang nakalipas at ngayon ko lang uli nabasa itong gawa ko noon. Pinasa ko sakanya tapos sabi niya lagyan ko ng update.

Akalain mo 'yun, effective yung 15 days ko.

-Based on a true story-




Fourteen Days (ONE SHOT)Where stories live. Discover now