Prologue~

11 2 2
                                    

Prologue~



"ugggggh!"




" Sige lang po ma'am, malapit na po lumabas ang bata."




Huminga ako ng malalim, at humugot ng napakalakas na sigaw para lumabas na ang baby sa tyan ko. "UGGGGGGHHHHH!"




"uwaah! uwaaah!" napaiyak ako ng marinig ko ang iyak ng anak ko. Di ko maexplain ang nararamdaman ko. Napakasaya ko at nailabas ko ang napaka ganda kong anak. Pero naiiyak ako pag naiisip kong iiwanan ko sya.





Oo, tama kayo. Iiwanan ko nga sya sa Ama nya. Di din naman nya ako gusto e. pinakisamahan lang nya ako ng ayos, inalagaan, at pinakain para sa bata. Oo para lang sa bata ang lahat ng iyon. 9months kong dinala sa sinapupunan ko tapos iiwan ko lang. Di ko kaya pero kailangan.






Di ko kayang buhayin ang anak ko. Di ko kaya ibigay lahat ng kailangan nya. Ang ama nya at ang pamilya nito ang susuporta sa anak ko. Inilipat na ako sa kwarto at Dinala nadin doon ang anak ko. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hinalikan sa huling pagkakataon.





"Anak ko, mahal na mahal ka ni Mama. kahit na iiwan ka ni mama sa daddy mo, sana maging masaya ka. kahit na alam kong mahirap maging masaya lalo na't di kumpleto ang pamilya. Anak ko, pag kaya na kitang buhayin. Babalikan ka ni Mama ha? Mag aaral muna si mama tapos magttrabaho para saating dalawa tapos babalikan kita dito ha. Sana di mo makalimutan si Mama. Mahal na mahal kita anak ko. Susulat ako palagi sayo ha. I love you Goodbye~"




Kahit mahina pa ko, pinilit kong bumangon. Iniwan ko si Baby sa kama sa Kwarto dito sa ospital. Pinilit kong ihakbang ang mga paa kong nanghihina. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. baka mali ang desisyon ko. pero eto ang alam kong makakabuti. Alam kong di din naman magiging maayos ang relasyon namin ng ama nya. Mas mabuti na itong gagawin ko.





"Salamat sa inyong lahat. Babalik ako. Pangako." Napa bulong ko nalang sa hangin at sumakay sa isang taxi at nagpadala kung saan ako magsisimulang muli.






***

Hi! Second Story ko po ito. Kaso Di naging Successful yun una kaya dinelete nalang Ni Author :D HIHI!  Sana po suportahan nyo ang Story na 'to XD. 100% na galing sa isip ng Author at walang ginayahan na ibang istorya. Salamat po sa lahat ng magbabasa! LABYU! <3


Picture Mom, Picture Wife [On-Going]Where stories live. Discover now