INTRO

1.2M 26.1K 4K
                                    

Normal lang may CRUSH. Ang crush ay parte sa buhay natin. Dito nagsisimula ang pagibig sa isa't isa. Sabi nila, ang walang crush abnormal. Pero, totoo ata e kasi lahat naman tayo may puso hindi lang ang saging. Karamihan sa atin may crush na celebrity, classmate, friend o kaya naman stranger. Kahit walang pag-asa, push lang. Yan ang problema sa atin.

Kung may crush ka, hindi ka abnormal. Hindi joke lang. Kung may crush ka, ibig sabihin may puso ka at marunong kang magmahal ng isang tao. Pero, hindi maiiwasan ang pagseselos, pagiiyak, pagpangstalk at pagkakaroon ng problema kay crush. Di ka pinansin ni crush, d ka nireplyan ni crush, may kasama siyang iba at ang mas masakit, di ka niya mahal. Alam mo, normal lang yan, yan ay tinatawag na CRUSH PROBLEMS.

Kaya eto ang mga crush problems na makakarelate ang mga may crush na hindi siya mahal ng crush niya o mahal siya ng crush niya, pero hindi niya alam o nawawalan na ng pag-asa kay crush. Enjoy!

CRUSH PROBLEMSWhere stories live. Discover now