Crushmate

238 8 2
                                    

Note: This is nonsense LMAO

Crushmate why are you doing this to me? Alam mo bang torture to para sakin? Ang makita ka araw-araw pero ni minsan ni katiting wala kang crush sakin? Hindi naman yun importante eh. Bakit ba kita nagustuhan? Dahil sa ikaw ang kasama at nakikita ko lunes hanggang biyernes?! Oo, siguro! Hindi ka naman perpekto pero bat sayo pa, alam mo ba yung feeling na tumabi ka sakin tapos ito namang puso ko nagtigidigtigidig-heyahh dahil nasa tabi kita, hindi ko alam kung pano ako kikilos dahil baka may magawa akong di kaaya-aya, at ang pawis kung namumuo dahil kinakabahan dahil nandiyan ka sa tabi ko. Kung makatitig ka naman wagas, at ito namang lola mo hindi alam kung san ibabaling ang tingin dahil sa mga titig mong kay tagal, tapos palagi pa. Ang mga araw na ika'y absent, nako! Ewan ko lang ang leeg nagiging giraffe, ang mga mata nagiging matang-lawin, ang mga tenga lumalaki, para marinig ka kung nasan ka man at tumitingin kaliwa't kanan umaasang nandiyan ka lang at na late ng dating. Sa mga groupings naman, malas parin, hindi ka nakakasama palagi kang nasa ibang grupo at swerti lang kung magkagrupo tayo kahit makadalawa man lang. Ito namang mga classmate natin halos lahat sila alam na na ika'y aking crush, at palagi pa akong tinutukso sayo, pero ikaw itong sumasabay lang din sa trip nila akalang nagbibiro lang sila sakin at sayo. Kung magtatanong ka naman, aligaga ang lola mong magconstruct ng sagot sa utak niya kahit wala ka pang tinatanong, natatakot na baka magkamali ang sagot. Pasulyap-sulyap na lang palagi pano ba 'yan. Heto gumawa ako ng isang tula para sayo, kung matatawag ba talaga itong isang tula.

Roses are red,
Santans are red,
Oo, dinugtungan ko,
Violates are blue,
Weh, totoo?
Ito'y isang tula maniwala ka,
Tulang inaalay ko para sayo sinta,
Ako'y seryoso tagos saking puso,
Ke-corny,corny ng aking pinagsasabi,
Tula dapat nagkakatugma,
Bahala na basta para sayo may iaalay,
O kay liit ng mundo, sa dinami-dami ng lalaki ba't sayo pa nagkagusto,
Puso mong sintigas ng bato, di nararamdamang ako'y nagkakagusto na sayo
O crush  tuwing ika'y tumitingin puso ko'y nagpaparty-party
Sa iyong ngiti puso ko'y natutunaw,
Paghanga hindi paghangad,
Pinipigilan ang aking hininga kapag ika'y napatingin,
At napapahinga ng maluwag kapag ika'y umiwas na ng tingin,
Pero naghihinayang din saglit,
Gusto kita aking sinta,
Inspirasyon saking pag-aaral,
Password saking gadgets,
Dahilan kung bakit walang pera,
Sa GM, at internet sayo'y palaging nagpapatama,
Sarap mong ihampas sa pader, nagbabakasakaling ika'y matauhan,
Pero bakit ganon may iba ka ng gusto?
Nandito lang naman ako naghihintay lagi sayo,
Ngunit ako'y napapagod din,
Kaya ngayon handang magparaya,
Uso na ang mag move-on kahit di naging kayo,
Move-on na lang para sa magandang kinabukasan.

Nagmamahal,
Ang iyong classmate/seatmate/schoolmate/batchmate

Secretjuan:
Ohhkaaaaay, waley ang tula at speech. Wala kasi akong magawa ngayon, kaya heetohh~ ang resulta, ke corny,corny, waley at boring haha. Sana naman po nagustuhan niyo (kahit hindi naman, alams na dis) xD.

CrushmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon