12:00:00 AM

83 3 0
                                    

12:00:00 AM - Misteryosong Prologo

"Klang klang."

Ito ang nakakapangilabot na tunog. May dalang ibang ingay.

Noong mga oras na tumuro ang maliit at malaking kamay ng lumang orasan sa numerong 12.

Noong mga oras na tuluyan nang lumalim ang gabi.

Noong mga oras na tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang buong liwanag sa paligid.

Noong mga oras na bilog ang buwan.

Noong mga oras na humihilik ka.

Ito ang oras kung saan huling narinig ang kanyang paghinga.

Ito ang oras kung saan, nawala siya.

Ito ang oras kung saan nakaturo ang tangan niyang gulok sa puso niya.

Ito ang oras kung saan nilamon ng galit ang buo niyang pagkatao.

Ito ang oras na labis niyang sinumpa.

Ito ang oras kung saan takot kang makita mo siya.

At ito rin ang oras na tumingin ka sa orasan ninyo at nakita mong nakatutok ito sa 12.

Ang oras ng sumpa, trahedya, kababalaghan, pagsuko, misteryo at higit sa lahat ng nakapaninidig-balahibong kilabot.

Relo

Porselana

Regalo

Kasinungalingan at Panloloko

At isang inosenteng bata

Ano nga ba ang papel nila sa oras na ito?

Handa ka na ba?

12:00 na.

Oras na.

▣▣▣●▣▣▣

12:00 MN: Sinumpang Oras
Copyright © 2015 by GorgeouScribe (Arvy Nuguit)

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical means, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

WARNING

This is a fictional property consist of imaginary ideas from the writer's mind. Any resemblance to an actual person's name (living or dead), places, animals, events and time is not meant and just happened coincidentally.



12:00 MN: Sinumpang OrasWhere stories live. Discover now