Chapter 1: Anniversary

817 17 2
                                    

Chapter 1: Anniversary

- Christian -

Excited na kong makauwi ng bahay. Isusurprise ko kasi si Hannah. Anniversary namin ngayon at gusto ko maging memorable yung araw na to para sa kanya. Para mas effective, nagsungit-sungitan ako these past few days at nagkunwaring wala sa mood para naman may konting thrill. Hanggang kaninang papunta ako ng trabaho, pinilit kong maging cold sa kanya. Nakikita kong nalulungkot na siya at medyo nagiguilty na nga ako pero pinilit ko talagang wag tumigil sa ginagawa ko. At eto na nga, kinaya ko naman. Gabi na at pauwi na ko ng bahay. Sana talaga magustuhan niya.

Susunduin ko lang siya tapos dadalin ko siya sa lugar na yun. Malapit na mag-isang taon ang kambal namin pero kinakabahan pa rin ako sa tuwing may ihinahanda ako para sa asawa ko. Pakiramdam ko laging first time. Gusto ko lahat perfect. Dahil yun ang tingin ko kay Hannah. Perfect.

Pagdating ko ng bahay, sa labas ko na lang pinark yung kotse ko. Susunduin ko lang naman si Hannah.

Pagpasok ko ng bahay, kinausap ko agad yung yaya ng mga bata na nagtitimpla ng gatas sa kusina. "Si Maam Hannah mo?"

"A Sir, e.."

Nagtaka ko sa kanya. Parang ayaw sabihin kung nasaan si Hannah.

"Nasan siya?"

"E Sir..nasa taas po..umiiyak."

"Ha?" Nagulat ako. Sana hindi dahil sakin. Di ko mapapatawad ang sarili ko. Palpak na naman.

"Opo. Sir wag nyo na lang po sabihing sinabi ko ha? Baka po magalit si maam sakin. Hindi ko naman po sinasadyang makita siyang umiiyak. Hindi rin po niya alam na nakita ko siya."

Tumango ako. "Okay lang. Buti sinabi mo sakin."

Palpak na naman Christian. Nauuwi na lang lagi sa pag-iyak ng asawa mo.

Nagmadali na kong umakyat sa taas. Bago ako pumunta sa kwarto namin ni Hannah, dumaan muna ko sa kwarto ng mga bata at nakita kong natutulog na sila. Dumiretso na ko sa kwarto namin pagkatapos.

Hindi na ko kumatok. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakita kong nakahiga si Hannah sa kama at nakatalikod sakin. Kahit nakatalikod siya, alam na alam kong umiiyak siya. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko akalaing aabot sa ganitong punto. Gusto ko lang naman siya sorpresahin. Pero mukang sumobra na pala ko.

Hindi niya ko narinig na pumasok. Hindi siya tumatalikod. Rinig na rinig ko ang mga hikbi niya. Sh*t. Sana lamunin na ko ng lupa. Ilang beses ko na bang napaiyak si Hannah?

Christian Dy Book III - EnrichTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang