Magnanakaw

19 3 0
                                    

****

"Magnanakaw!!!!"


lumingon sa pwesto ko ang mga classmate ko dahil sa pag sigaw ni Jacob.>_<


hindi talaga s'ya titigil sa kakasabi ng magnanakaw na iyan. grr..

"Magnanakaw"bulong n'ya sakin paglapit n'ya. Opo ako po ang tinatawag n'yang MAG.NA.NA.KAW. dahil "DAW" may kinuha "DAW" ako sa kanya na importante. as in importante.. duh!!

pinalaki akong mabuti at may pinag-aralan, kaya wala akong kinukuha sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung ANO yung kinuha ko DAW sakanya.

"Psst. Magnanakaw!"bulong n'ya ulit sakin. grr.. namumuro na sakin tong bakulaw na ito.

"MAG.NA.NA.KAW!"

"MAGNANAKAW!!"

"MAGNANAKAW!!"

"MAGNANAKAW!"

"MAG- - -

"ano ba!!!"

NANAKAW!!"


tumayo na ako para sapukin s'ya ng biglang pumasok si Ma'am Ysa.

"Ms.Paz sit down!"

umupo na ako. sayang hindi ko tuloy na sapok si Jaculaw hahaha. nice nickname Jacob+Bakulaw=Jaculaw hahaha!!!

discuss lang ng discuss si mam at walang pumapasok sa isip ko dahil sa Jaculaw na patuloy pa rin sa magnanakaw thingy na yan.


*Kkkrrinnggg*

"ok class bye!"

Yes!! uwian na! bilis talaga ng oras sa watty! at magbubunyi ako wala ng bakulaw na aaligid aligid sa paligid na magsasabi ng magnanakaw matatahimik na rin ang gabi ko.

****

Nang nasa bahay na ako nadatnan ko si kuya Jonathansa sofa na nagbabasa ng magazine na nakabaligtad. nice

"tsk..tsk.tsk"

"anong kadramahan yan kuya at saka yung magazine mo nakabaliktad. wag mong sabihin na pati utak mo baliktad na talaga kaya nakakaintindi ka n'ya"saka lang pumasok sa utak n'ya (kung meron man) na nakabaliktad yung magazine. tsk

"ah. hehehe oo nga noh! oh.. wait may na alala ako "

"ano yun? bilis ng makapagpahinga na ako!"pameywanga kong sabi sakanya.

"Magnanakaw pala sis ha!"mapanloko n'yang sabi sakin habang taas baba ang kilay n'ya. anubayan pati ba naman dito sa bahay. grr >_<

"grr..che!!" tumalikod na ako at padabog na umakyat sa kwarto ko at rinig na rinig ko parin ang malakas at mapangasar n'yang tawa. masamid ka sana katatawa. at swear ako ang unang tatawa sa kanya. hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magnanakaw (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon