Ako si Yannie Castello, isang proud college student ng St. Paul University. Dito ako pinapasok ng parents ko dahil... dahil... dahil... dahil sa hindi ko malaman na dahilan. teehee~
-
First day of school, syempre orientation. Naku naman, ang daming foriegner, baka mamutla ako dito kakalabas ng dugo sa ilong ko...humay...sinasabi ko sa isip ko habang nililibot ko ang aking paningin sa loob ng gym."Okay, kung ano yung kulay ng pangalan 'nyo na nakasulat sa inyong nametag, yan ang magiging group mates nyo." sabi ng emcee ba isa sa mga Student Government Officer.
Oh my! nakakahiya...para akong matutunaw..naman oh! bakit ba kasi kailangan pa ng ganito.
"Okay, so ang gagawin 'nyo ay bigyan 'nyo ng salita ang bawat letra ng inyong pangalan na nagde-describe sa inyong sarili." sabi ng isang SGO na nag-facilitate sa amin. What? nagulat ako ng may biglang nagsalita ng ingles sa tabi ko. humay..alien! ay este foriegner! siguradong mapapanis 'tong laway ko nito.
"Uy! may english speaking, ikaw na mag explain." "Ikaw na." "Hindi,ikaw na." ay sus! nagtulakan pa. Ako na nga lang! pero syempre joke lang. Nahihiya nga akong makipag-usap sa kapwa ko pilipino sa mga foreigner pa kaya.
Kaya ayun! inexplain na ni ate.
"Oh okay, so what should I write here?" Haay nakooo, kung hindi lang ako mahiyain ako na mismo ang kakausap sa nilalang na ito.Habang nag-iisip sya kung ano ang kanyang isusulat, tiningnan ko mula sa gilid ng aking mata ang kanyang papel. Ahh.. Karl pala ang pangalan nya.
Matapos magpakilala ang lahat ay nagbigay na naman ng bagong task ang facilitator.
"Okay, gumawa kayo ng performance na ipre-present bukas. Kanta, sayaw, o kahit ano na nakakapagpapakita ng inyong mga talento."Nag-discuss kami kung anong klaseng performance ang gagawin namin, pero wala din namang praktis na nagyari. pfft -_-
-
Nagtipon na lahat ng mga first year students sa gym para simulan na ang ikalawang araw ng orientation.
Habang hinihintay na magsimula ang aktibidades, inilibot ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa mahagilap ng aking naggagandahang mata ang isang napakagwapong nilalang sa ibabaw ng lupa. Maputi, makapal ang kilay, nagbibilugang mga mata, at ang kanyang mapupulang pisngi ang nakapagpatulo ng aking matatamis na laway...pero syemre joke lang, hindi naman tumulo eh, napako lang paningin ko sa kanya.yiiiee!
Nung nagsimula ng magperform ang grupo nila, hindi ko talaga maalis ang mga titig ko sa kanya, hindi naman sya masyadong magaling sumayaw, iba lang talaga yung aura nya, yun bang aura ng mga gwapo. (*grin*)hihihi landi.
Akala ko matatapos ang araw na hindi ko magkakaroon ng kaibigan, pero hindi. Nakilala ko si Rina, Dianne at Marie. Kaya lang hindi kami magkaaparehas ng section *sad*. Pero atleast may friends diba.
Sabi ng teacher kanina na bukas magsisimula na daw kaming pumasok sa aming klase.
Siguro naman may makilala akong bagong kaibigan. Ang hirap talagang mag adjust kung palipat lipat ka ng paaralan..haaay
-
Naglalakad palang ako sa corridor ay kinakabahan na ako, sino ba namang hindi eh ito yung araw na mauubos ang english ko kakasabing "Hi! My name is Yannie Castello 18 years old a transferee from St. Therese College taking up the course, Bachelor of Science in Accountancy." Humaay.eto na, papalapit na ako sa classroom ko, nanginginig na ako ...huhuhu T_T.