Matilda's Mr. Right

21 1 0
                                    

Unang beses kitang nakita, noong nakaraang buwan. Bagong salta ka lamang sa aming baryo noon. At iyong pagkakataon na iyon, ay talagang napukaw mo ang pansin ko.

Ikaw ay sadyang makisig, matipuno, kayumanggi ang kulay ng balat at matangkad, talagang ika'y kinagigiliwan ng mga kababaihan sa aming bayan. Maging ako ay nabihag mo, oo, aminado ako. Nagkagusto na ako sayo.

Tulad noong nakaraang buwan, pumasok ka dito sa simbahan, kung saan kita unang nakita, at tulad noon, hindi mo napansin ang aking presensya-ang aking mga matang tila naidikit na sa iyong bawat pag-galaw. Pinagmamasdang bawat kilos mo. Ang kakisigan mong taglay na siyang nakakapagpalambot ng puso ko.

"Nako naman, Hija, tinititigan mo na naman siya. Hindi ba't sinabihan na kitang iwasan mo na ang pagtingin sa kanya? Lalo ka lamang nahuhumaling sa kanya." tinig mula sa aking likuran kaya agad akong napalingon. Ang aking taga-pangalaga.

"Tiya.." pagkilala ko, "Humahanga lang ako sa kanya...wala nang iba.." paglilinaw ko at napabuntong hininga na lamang siya.

"Sigurado po iyon. Huwag ka na pong mag-alala-teka nga, Auntie, nakakadugo na ng ilong yung full tagalog ah?" I joked.

"Eh ikaw naman kasi ang nagsimula. Oh ano, sigurado ka bang okay ka lang dito?" tanong niya. Ako naman ang napabuntong hininga.

"Okay lang ako, Auntie. Sanay naman na ako mag-isa, don't worry, hindi ako maglalaslas-aw! What was that for?!" iling ko nang pitikin ako ni Auntie sa noo, sakit nun ah?!

"Umayos ka nga, Matilda. Hay nako, oh bueno, aalis na kami. Mag-ingat ka dito. At tantanan mo na si Benedict. Babaero yun. Bye bye!" umalis na si Auntie at napaisip ako bigla.

Tama siya, babaero nga si Benedict. Nalaman ko yun nung nakaraang linggo, nang makita ko siya sa umaga ay may kasama siyang babae, pagdating ng hapon ibang babae naman ang kasama niya. Pero kahit ganun siya, hindi ko maitatangging talagang siya ang Mr. Right ko, wala eh. Tinamaan talaga. Haist.

-

Dumiretso na ako sa locker room pagkagaling sa room. Wala manlang nagklase, ano ba naman yan.

Habang busy ako sa pagliligpit ng mga gamit ko, may narinig akong kaluskusan at hagikgikan na animo'y naglalandian. Hindi nga naman ako nagkamali. May naglalandian talaga.

Si Benedict, may kahalikang babae at dumiretso sila sa dulo ng locker room.

Inis. Napakababaero mo talaga. You're nothing but a one big effin' handsome cassanova. Pero ikaw parin talaga ang Mr. Right ko, tanggap ko kahit babaero ka. Kahit papalit-palit ka ng nilalandi okay lang. Masokista nga ata ako, sige lang ako sa pagtanaw sa inyo kahit masakit na...masakit sa mata. Harhar~

Saglit na nagtama ang tingin natin at tila naglaro ang isang pilyong ngiti sa iyong mga labi. Nababasa mo ba ang nasa isip ko? Na sana ako naman ang nilalandi mo? Echos lang! Pag napasaakin ka, sisiguraduhin kong hindi ka na mapupunta pa sa iba.

"Manloloko ka talaga!" sigaw ng isang babae na kapapasok lang dito, umiiyak. Mukhang isa siya sa mga naging babae mo. Hay nako.

Natigil kayo sa paghahalikan at hinarap ang bagong dating na babae. Nginitian mo lang siya at nag-sorry ka. Yun lang yun. Ganun lang lagi mong ginagawa pag nahuhuli ka ng mga babae mo. Nahihiwagaan tuloy ako sayo kung hindi ka ba kinokonsensya sa mga kalandian mo. Hindi ka ba takot sa karma? Oo nga't gwapo ka, pero minsan kilabutan ka nga sa pambababae mo. Kutusan kita sa gums eh! Tss.

Umaalis na lang ako sa locker room at baka kung ano pang masaksihan ko.

Wala namang pumapansin sa akin habang naglalakad ako sa campus grounds. Hindi naman kasi ako papansin ye'know? Hahaha.

The Mr. RightOù les histoires vivent. Découvrez maintenant