Chapter 1: The Break Up

649 25 4
                                    




                 

Hindi maintindihan ni Vice ang nararamdaman, seryoso ito habang kasama ang Showtime Family. Gabi na at tila ineenjoy nalang ng mga kaibigan niya ang mga oras na 'yun dahil magkakasama sila. Pero si Vice ay napakaseryoso, kanina pa ito tingin ng tingin sa phone nito. Kanina pa siya pigil na pigil sa kanyang emosiyon. 

"Huy, okay ka lang?" Tanong sa kanya ng kanyang bestie na si Billy. Agad naman nito tinago ang phone nito at tinignan si Billy nang nakangiti.. "Oo, oo.. Teka lang.." nakangiti itong umalis at pumuntang CR. Nagkatinginan naman ang mga showtime hosts at nagsenyasan na hayaan nalang.

'Pag pasok ni Vice sa CR, napaupo na ito at nagbreakdown, lumakas ang iyak nito at hagulgol sa loob ng CR. Tinignan niya ang phone at nakitang walang reply. Agad niyang tinawagan ang katext nito.. Nagring.

"Baby girl..."

"Romeo.. Sigurado ka na ba?"

"Sorry talaga, tapusin na muna natin 'to kasi nagiging mahirap na ang sitwasiyon."

Tahimik lang si Vice na umiiyak, tumutulo lang ang mga luha nito at sunod niya namang pinupunasan.

"Okay lang.. Kahit masakit pero para sa ikabubuti mo narin 'to, para wala na masyadong masaktan diba? Gusto ko narin makapagpahinga.. Susunod ako sa desisiyon mo.."

"Baby girl, kahit ganito laging mong tatandaan na.. mahal na mahal na mahal parin kita." napapapikit si Vice habang naririnig ang mga sinasabi ni Romeo. "Kung tayo... tayo talaga.." dagdag ni Romeo.

"Oo.. Paalam Terence Romeo.."

"Mahal na mahal kita.." sabi ni Romeo, umaasang may sasabihin si Vice pabalik..

"Bye na, may naghihintay pa sa'kin"

"Sige..."

Naputol ang kabilang linya at umiyak nang tuluyan si Vice...

Matagal sila ni Terence. Sobrang tagal nila nagsama, nagmahalan. Masaya naman ang relasiyon nila, nakakapagod lang. Ang hirap kasi tinatago nila ang relasiyon nila dahil ayaw na ayaw ni Vice maintriga ang kanyang boyfriend dahil si Vice ang pinakasikat na komedyante sa pilipinas ngayon, ayaw niyang mabash si Romeo dahil nakipagrelasiyon ito sa isang bakla..

Vice Ganda's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang beses na kami maghiwalay pero nagkakabalikan kami pero sa ngayon kinakabahan ako kasi parang may iba.. Bakit pakiramdam ko hindi na siya babalik? Bakit hindi na nga ba? Pero umaasa ako na babalikan niya ako. Hindi ko kaya na wala siya.. Hindi ko kaya na mawala siya buhay ko. Pero ano ang magagawa ko dahil iyun ang naging desisiyon niya.. Alam kong mahirap, napakahirap ng aming relasiyon namin..

Pero akala ko, walang susuko?

Eh bakit siya sumuko?

Hindi ko napigilan ang aking mataas na emosiyon. Kailangan kong ilabas 'to.. Nandito lang ako ngayon sa kuwarto ko. Mag-isa.. Walang mapagkwentuhan..

Binuksan ko ang aking phone at nagtweet..

Sunod sunod ako nagtweet na nagsasabi na WALA NA.  Malakas ang iyak ko habang nagtitweet. Masakit kasi. Napakasakit. Kung siya napagod, mas lalo na ako pero hindi naman ako sumuko ah?

Tumunog din ang notification ko sa twitter. Alam ko kahit madaling araw na may mga fans akong gising at nag-alala sila saakin. Habang mag-isa akong nag-iisip sa kuwarto ko malakas din ang pag-inom ko ng vodka. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kakaiyak.

---
Isang malakas na ringtone ang gumising sa akin. Linggo ngayon at wala sana akong balak gumising..

Tumatawag ang mga kaibigan ko..

Nag-aalala sila..

Di ko sinagot ang mga tawag nila..

GENERAL's POV

Naging napakalaking issue ang mga tweets ni Vice. Marami ang naintriga, marami ang nagtataka. Nainterview narin si Vice tungkol sa tweets niya. May kumalat na audio scandal na iniinterview si Romeo pero alam ni Vice hindi kay Terrence galing ang mga salitang iyun. Nagkausap sila tungkol sa isyung interview ni Terrence upang linawin ang mga kaganapan.. Pero iyun na pala ang huling pag-uusap ng dalawa.

I Miss You Like Crazy | ViRenceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن