Introduction: Jeepney Love Story

228 5 2
                                    




--

"Larra?"

Narinig kong tawag sakin ng isang boses nang sumakay ako sa jeep. Galing akong school at rush hour ngayon kaya naman hindi ko na pinansin kung sino man ang makakatabi ko, basta ang importante, makauwi na ko. Nakakapagod!

Pagod, parang pagmamahal, minsan nakakapagod na lang talaga. Kailangan mo pang makipag-agawan, takbuhan, at siksikan kung hindi mawawalan ka. Ayyy! Lech! Hugot pa!

Napalingon ako sa katabi ko na tumawag sakin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yon.

"UUUYY! Kino!" ayun lang yung nasabi ko. Speechless e. Sorry naman. Si Kino kasi, sya lang naman yung highschool crush ko!


HIGHSCHOOL CRUSH plus HIGHSCHOOL SEATMATE plus HIGHSCHOOL BFF plus HIGHSCHOOL PROTECTOR plus HIGHSCHOOL ENEMY plus LAHAT NG HIGHSCHOOL KILIG MOMENTS!!


"Bayad na kita, wag ka na magbayad. Kumusta ka na?" sabi nya habang kinukuha nya sa maliit na bag yung wallet nya, hindi nya rin inaalis yung tingin nya sakin. At ganun din ako sakanya. Hindi ko ma-explain, sobrang saya ko na makita ko sya ngayon, after almost five years!

"A-Ahh thank you! Okay naman ako. Ikaw kumusta ka na?" nauutal ko pang sagot sakanya. Grabe naman kasi.


Wait! Wait!


Ano bang itsura ko ngayon? Haggard na ba ako? Nako! Nakaka-conscious naman! Suot ko pa naman ngayon yung plastic kong sapatos, andumi pa naman na. May lipstick pa ba ko sa labi ko? Maayos pa ba kilay ko? Amoy pawis na ba ako? Shems, kasi bakit ba hindi ako nagre-retouch kapag pauwi na ko galing school e. Ayan tuloy hindi ako ready ngayon!

"Okay naman.." kitang kita kong nakangiti sya kahit ba na against the light ang pwesto nya mula sakin. Tsk! Grabe Kino! Still so pogi!

"May work ka na?" awkward kong tanong, bakit ba ito natanong ko?

"Wala, nagrereview pa ko para sa lincensure exam ko.."

"Bakit ano bang course mo?"

"Secret!" natatawa nya pang sagot,

"Sus, grabe naman! Ang damot mo naman!"

"Wag naman kasi yan yung pag usapan natin..kumusta ka na? Nag-aaral ka pa? Saan ka nag-aaral?" sunud sunod nyang tanong sakin. Obviously, nag-aaral pa talaga ako. Samantalang sya. Nagrereview na. Di bale. Dadating din tayo sa ganyan!

"Nag-aaral ako sa may Philippine College of Engineering and Architecture.." napatango-tango sya.

"Grabe, muntik na kitang hindi makilala. Haha! Lalo ka kasing tumaba!" napasimangot ako sa sinabi nya.

"Grabe ka! Minsan na lang tayo magkita ganyan ka pa sakin, akala mo naman sya hindi mataba!" puna ko sakanya, dahil kahit papaano naman ay nagkalaman-laman sya, di tulad noong highschool pa kami. PAYATOT.

Natawa lang sya sa sinabi ko.

Huminto yung jeep na sinasakyan namin sa tapat ng isang LRT station. At nagdagsaan na naman ang mga pasahero kahit na halos wala na ngang maupuan.

Umusog ako sa kanan ko at umusog naman sya sa kaliwa nya. Nagkaron tuloy ng space sa pagitan naming dalawa. Nakita kong sumenyas sya na umusog ako papunta sa tabi nya, pero bago ko pa magawa e, may bigla ng sumingit sa pagitan naming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sa mga UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon