Nine Point Eight [One Shot]

82.2K 2.1K 574
                                    

Nine Point Eight by luminatina.

***

"Uy pa-solve naman nito oh," sabi sa'kin ni Gab, sabay abot nung notebook nya sa Physics at ballpen n'ya sa'kin.

Tumango naman ako, at nag-solve.

Nagpapaka-tanga ka na naman, Janella, sabi ko sa sarili ko. Nasisilaw na naman ako sa gwapo n'yang mukha at sa maganda n'yang boses. Hay. Bakit kasi dito pa ako sa mokong na 'to nagkagusto. Pwede naman na dun sa mas matalino sa kanya, para 'di ako 'yung naggagawa nung assignments eh.

Habang sinosolve ko 'yung problem #2, napansin ko 'yung mga pinagpapaltan n'yang solution. Mali nga. Mali kasi 'yung ginamit n'yang value ng gravitational acceleration eh.

After ko tapusin 'yung assignment n'ya ay sinauli ko na 'yung notebook n'ya.

"Oh. Tapos na. Tama naman 'yung ginagawa mo, mali lang talaga 'yung value ng acceleration due to gravity na ginamit mo," pag-eexplain ko sa kanya.

"Nakakaasar naman 'yang gravity na 'yan eh. Ano ba kasing pakialam ko d'yan. Sana wala nalang gravity oh," sabi n'ya.

Gabriell, hindi gravity ang mali. 'Yung acceleration due to gravity. Magkaiba 'yun, gusto ko sanang sabihin, pero naisip ko, sana nga wala nalang gravity, baka sakaling hindi pa ako nahulog sa'yo.

*

"Janella, pahiram naman n'ung test paper mo. Check ko lang 'yung tamang sagot sa mga mali ko," sabi ni Gab after ibigay sa'min 'yung test papers namin sa Physics.

"Eto oh. 'Di ko alam ang tamang sagot d'un sa iba kong mali. Ano score mo?" tanong ko.

"12/30. Bagsak. Mali-mali 'yung solutions ko sa free fall eh," sagot n'ya.

12/30?!?! SERIOUSLY. Hindi ko ga maintindihan ang lalaking ito. Ang tali-talino naman sa Math! Perfect nga 'to palagi sa Trigonometry eh. Simple Math nga lang ang kailangan sa Physics eh.

"Eto oh, thank you," sabi n'ya sabay abot nung test paper ko.

"Pahiram nga n'ung sa'yo. Saan ka nagkamali?" tanong ko.

"Mali nga lahat nung sa free fall ko. 9.8 pala ang value ng gravity," sabi n'ya.

Acceleration due to gravity ang 9.8. Iba 'yun sa gravity, gusto ko sanang sabihin, pero naisip ko, kaya siguro mali-mali 'yung concept n'ya sa gravity kasi hindi sya mahuhulog sa'kin... ever.

*

"Tutor mo ako sa Physics, Janella. Please please please. Mag-reretake daw ako ng quiz eh," sabi sa'kin ni Gab after classes.

Tumango lang ako.

Eto ka na naman, Janella. Masasayang lang oras mo dyan eh, pero syempre, hindi ako nakinig sa utak ko.

"Gab, marunong ka naman eh. Tama naman oh. 9.8 lang talaga ang problema mo," pag-eexplain ko.

"Eh kasi lagi ko talagang nakakalimutan. Minsan 8.8, o kaya minsan 10.8 ang nalalagay ko. Paano ko ba kasi maaalalang 9.8 'yun," sabi n'ya.

Natigilan naman ako at napaisip. Ano bang mahirap tandaan sa 9.8?

*

Okay naman 'yung tutorial namin ni Gabriell kahapon. Pero kung hindi ko ipapaalala, mali pa rin 'yung value nya ng acceleration due to gravity. Mamaya pa naman 'yung quiz n'ya. Baka mapatay ko pa sarili ko 'pag bagsak pa rin s'ya.

Gabriell, para maalala mo 'yung value ng acceleration due to gravity, isipin mo 'yung seat number nating dalawa. Ako ay C5R4, ikaw ay C4R4. Pag pinag-add mo yan, C9R8. 9.8

Iniwan ko 'yung note na 'yun sa locker n'ya. Sa next sheet nung papel ay nagsulat pa ako, sana seat numbers nalang tayo, pag pinagsama, may maayos na value.

Pagkatapos ay pinunit ko 'yung sheet nung paper na 'yun, at cinrumple, pagkatapos ay binato sa basurahan.

*

Pag dating ko sa school, agad akong dumeretso sa locker ko. Saktong pagbukas ko ay may nahulog na isang pirasong nakatuping bond paper. Agad ko itong binuksan pagkalimot na pagkalimot ko.

Test paper. Pero hindi akin. Garcia, John Gabriell B.

Unti-unting nag-form ng ngiti ang mga labi ko nung mas makita ko pa ang content nung test paper na 'yun.

At may maigsing note na kasama...

Thanks sa tulong! Malaki ang utang na loob ko sa 'yo! Pati na rin sa gravity na 'yan! -Gab.

Pumasok ako sa room, hawak-hawak 'yung note at 'yung test paper. Pag pasok ko sa room, nakita ko s'ya. D'un sa upuan sa tabi ng akin. Nakatingin din s'ya sa'kin...

At sa oras na 'yun - sa oras ng pagtama ng aming mga mata - naglaho ang lahat. Ang mga kaklase ko, ang mga upuan, ang papel na hawak ko. Lahat 'yun nawala. Tanging siya at ako nalang. Ang ngiti n'ya, ang titig ko.

Hindi ko alam ang sunod na nangyari. Ang alam ko lang, nakita ko ang sarili kong naglalakad papalapit sa kanya.

"Thank you."

Hindi ako umimik. Walang kahit isang salitang lumabas mula sa aking mga labi. Tanging isang ngiti lang ang nagawa kong ibalik.

"Madami na akong utang sa'yo," sabi n'ya.

"Sus. Wala 'yon."

Nginitian n'ya ako. At kung hindi ko lang siguro s'ya kaharap, kung wala lang s'ya dito ngayon, malamang ay nagtititili at nagtatatalon na ako sa tuwa.

"Pero mas malaki ang utang ko kay gravity."

Magsasalita sana ako para i-correct s'ya. Hindi nga kasi gravity 'yun. Gravitational acceleration a.k.a acceleration due to gravity. Pero naunahan n'ya ako.

"Alam ko namang acceleration talaga due to gravity 'yung 9.8. Pero kay gravity talaga ako may mas malaking utang na loob," pagsisimula n'ya.

Tiningnan ko lang s'ya. Eh ano bang utang na loob n'ya kay gravity?

"Kasi dahil sa gravity, nahulog ang isang anghel na tulad mo mula sa langit."

Qwertyuiopasdfghjkl. Nararamdaman ko na nag-iinit na ang mukha ko kaya mas pinili kong tumungo.

"At dahil sa gravity - baka dahil sa gravity - nahulog ako sa'yo."

Tiningnan ko s'ya sa mata.

"Ha?"ang tanging salitang lumabas mula sa aking bibig.

"Sisisihin mo ang gravitational force na humila sa'kin para mahulog sa'yo. Wala eh, hindi ko na napigilan."

Nakatingin s'ya sa'kin, wari ba'y naghihintay ng sagot.

Ngumiti ako.

"'A stone is dropped into a deep well, and is heard to hit the water 3.41 seconds after being dropped. Determine the depth of the well.' 'Pag nasagot mo, para mo na rin akong tinulak para mahulog sa'yo."

fin.

***

[A/N]

Hello there!

Para ito sa aking best friend! Hi Croocroo. XD

And also, eto ay para sa lahat ng katulad ko na masakit na ang ulo sa Physics! Hihihi. :3 Push natin 'to.

Vote + Comment = My Happiness.

LUMINATINA.

Nine Point EightWhere stories live. Discover now