29th Scene Hierarchy of The Heirs

12.5K 396 1
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"Guys can we go faster, malalate tayo sa party." Pag mamadali sa amin ni Izzy.

"Tamo tong inggratang 'to, akala ko ba ayaw mong pumunta sa party na to ba't ngayon ikaw pa mas atat makarating sa party ni Angel?" Binulyawan naman ni Wendyll ang kaibigan namin dahil sa pagiging atat nito.

"Oo nga naman Izzy wag kang masyadong atat. Makakarating din tayo dun, isa pa, dapat grand entrance tayo kaya antayin nating marami ng tao bago tayo pumasok."

"Oo nga" sinigundahan ko naman si Kara dahil yung plano hindi pa tapos baka mabulilyaso pag nakita ni Kara na andun yung dalawang mokong. Magwala pa siya sa loob ng party.

Para namang napaisip si Izzy sa sinabe ni Kara sa kanya kaya natahimik ito at parang nag iisip. "You have a point there." Makaraan ang segundo ay umapruba pa ito.

"Sabe ko sa'yo eh."

Ilang minuto pa ay papasok na ang sasakyan namin sa mataas na bakod ng mansyon nila Angel. "Andito na tayo Hime-sama" ani Ren sa amin.

"Ren, arigatou na" pagpapasalamat ko sa kanya.

"Jen-chan" pag pigil sa akin ni Ren.

"Nani?" ----->(what is it?)

"Narinig ko sa mga kasamahan natin na pinapunta mo daw yung dalawa dito. Totoo ba yun?"

Ngumiti naman ako sa kanya. Si Ren talaga kahit kailan hindi nahuhuli sa balita. "Parang" pang iinis kong sagot dito.

"Gulo nanaman ang hinahanap mo Jen-chan."

"Ano kaba Ren, alam mo naman na matagal ng pinapapunta dito nila Otousan yung dalawa dahil delikado sa Japan. Sila lang 'tong makulit na gusto mag stay dun. Buti nga pumayag pa sila nung tinawagan ko sila nung nakaraan."

"Ewan ko sayo Jen-chan, baka mamaya niyan mapang abot yung dalawang mag pinsan sa ginagawa mo."

"Subukan lang niyang saktan si Kara at papatayin ko siya mismo."

"Gawin mo at baka yan pa ang maging dahilan ng pag kasira ng Famiglia." Bagbag nito sa akin.

"Alam mo Ren-san lagi kang may sagot sa mga sinasabe ko!" Naiinis ko ng sagot sa kanya pano ba naman kasi lahat ata ng sasabihin ko may isasagot naman siya mas malala pa.

"Nag sasabe lang ako ng katotohanan."

"Oo na, ikaw na panalo. Sige alis na ko at hinihintay na ko nung tatlo sa labas." pakamot ko pang palabas sa kotse.

"Ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Kara.

"Eh! Si Ren-san eh may tinanong pa sa akin."

"Let's go guys." Hindi makapag hintay na tawag sa amin ni Izzy.

Pagpasok na pagpasok naman naming apat sa malawak na hardin nila Angel ay halos magtinginan silang lahat sa amin. Halos mapa atras naman ako sa mga tingin nila. Hindi kasi ako sanay na nagiging center of attraction pero 'tong sina Izzy at Wendyll ay sana'y ata dahil halos umabot sa tenga nila ang mga ngiti nila.

Aatras sana ako ng bigla akong hinawakan sa braso ni Kara. "No backing out now Jen, nag pupuyos na si Angel kaya wag kang aatras. This would be the worst Nightmare on her side." She smiled at me.

"Demo" nag kaka-cold feet ata ako. Remind me again kung bakit ako napunta dito. ---->(but)

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Daijabou, andito ako."

"Fine"

"Let's go there, andun sila Ace." Aya naman ni Izzy sa amin.

"Izzy, nahihilo na ako dito" bulong ko sa kanya habang nang ngingitngit ang mga ngipin ko sa kaba.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now