SS - Prolouge

79 3 0
                                    

Prolouge

Shcool secret?

Meteor garden?

Boys over flower?

Dao Ming Zi?

Gu Jun Pyo?

F4?

Red card?

Sa school na to marami ang batas. Dahil nakasanayan na ng mga mag-aaral dito na sundin ang batas. Mga batas na estudyante ang mga may pakana.

____

"Mmm,"

"Na ungol ka pa? Bumangon ka na. Woi!"

"Mauna ka na pumasok."

"Letse ka! Talagang mauuna na ako!"

"Ge."

*Totoot.

"6am?"

Pagdilat ko ng maliit sa isang mata dahil akala ko ay anong oras na.

*Kring.

Nakapikit kong pinatay ang alarm-clock ng cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. Nag muni-muni din muna ako dahil wala pa ko sa wisyo at gusto ko pang matulog pa.

"Ang daming transferee." Pagbasa ko sa text na isang mata lang ang nakabukas.

Bumangon na ko sa higaan at tatamad-tamad na kumilos. Dumeretso ako sa lababo na tulala ang tingin sa salamin habang nagtotooth-brush.

"Transferee?"

Tinali ko ang basang buhok ko na katatapos lang maligo. Napa-iling na lang ako ng maisip ko na kami na ang susunod sa yapak ng mga nagtapos ngayong taon.

Sa batch-mate namin marami ang pasaway. Lalo na't kami ang pinaka-mataas o pinaka-mamumuno ngayong taon. Na sana lang ay walang magbago o mapalitan ang batas na iniwan ng mga nagtapos. Pero napaka-imposible dahil sa batch-mate ay mukhang magbabago na naman ang batas.

Binutones ko ang huling bitones ng blouse ko. At sinuklay-suklay ang basa kong buhok na nakapony tail. Mag alas-otso na ng umalis ako sa bahay o masasabing kong bahay ko lang. Dahil mag-isa o dalawa lang kami ni Manang sa bahay. Na sa tuwing gabi ay umuuwi pa sa kanila.

Nilagay ko sa dalawang balikat ko ang parang wala ding laman na mga notebook sa bag ko. Naabutan ko pa si Manang na nag didilig ng mga halaman. Tumango naman siya kaya napatango na lang din ako. Dumeretso naman siya sa gate para pagbuksan ako dahil pasakay na ko sa motor ko.

Nakarating ako sa loob ng paaralan na magsasarado na ang gate. Kahit naman magsara na ay makakapasok pa din ako. Kaso nga lang ay may dala akong motor sa ngayon.

Pagkapark ko pa lang ng motor ay nag uumpisa na agad mambully ang iba. Mukhang marami nga ang transferee dahil sa dami ng mga bagong sasakyan ang nakaparada dito. Napansin ko pa ang ibang kotse na sira na ang mga salamin.

Kelangan ko na din siguro itago ang motor ko kung saan ang dati kong pinapark'an. Nangunot na lang ang noo ko dahil hindi man muna pinatagal ng ilang araw bago ibalik ang nakasanayan.

Ganito sa school na'to, hindi mukhang pasaway ang mga estudyante dito. Dahil pag oras na ng klase ay nasa kani-kanilang room na sila. Nagiging tahimik o wala kang makikitang tao sa groundfloor ng school.

Tahimik akong dumeretso sa room na tinext ni Da Ra. Naririnig ko na din ang mga ingay nila na mukhang binabaliwala lang ang kani-kanilang mga guro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

School Of SecretsWhere stories live. Discover now