30th Scene New Demons Came

13.4K 411 2
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

Ilang oras din kaming nag sikain at nag kwentuhan sa sarili naming table. Hindi na namin pinansin ang ibang tao na nagkakatuwaan sa kani-kanilang ginagawa.

Makaraan ang ilang minuto ay tumayo si Angel sa isang maliit na platform sa stage para gumawa ng announcement. Hindi na namin yun pinansin dahil puro rin naman ito tungkol sa kanya or kung gaano kaganda ang party niya kaya di na namin pinakinggan maliban nalang ng tinawag ni Angel ang pangalan ni Izzy.

"Why don't Izzy give us a little pep talk." Nakangiting tawag ni Angel kay Izzy.

"Right, since Izzy is our special guest" pag segunda naman ni Janine sa pagtawag ng kaibigan nito kay Izzy.

"H-huh? A-ako"

"Izzy" nag aalalang tawag ni Wenyll sa kaibigan namin.

Pumunta naman sa table namin ang dalawang kaibigan ni Angel at pilit na pinapatayo si Izzy sa kina uupuan niya. Na pati sila Ash ay pinipigilan ang mga ito pero mapilit parin sila.

Ngumiti naman na parang aso si Jen. "Don't worry. Remember my plan."

"Yeah"

"Nothings going to happen to you. Kaya great them with your most beautiful smile. Bash Angel with your words" bulong nito kay Izzy.

"O-okay" nerbyos na sagot ni Izzy kay Jen.

"Wag kang nerbyosin. I got your back" pag sesegurado pa nito.

Tumayo si Izzy at lumapit sa stage. Nag simula itong magsalita nakita naman namin na palayo ng palayo sa kinatatayuan nila Angel at Janine ang mga ito habang halos maplastar na sila sa dingding sa sobrang lapit nila dito kaya bigla tuloy akong ninerbyos. Mukhang alam ko na ata ang gagawin ng dalawang ito sa kaibigan ko. Balak ata nilang buhusan ng ano si Izzy.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pero hindi pa ako humahakbang ay bigla ko nalang narinig ang sigaw nila Angel at Janine.

"OH MY GOD" sabay na sigaw ni Angel at Janine. Natapunan sila ng tubig pag katapos ay nasundan pa ng kulay berdeng likido na nanggaling sa likuran ng mini-stage.

Lahat naman ng nakakita sa eksenang ito ay nag sitawanan kahit yung mga kararating lang para maki usyoso ay tumawa rin ng nakita ang sitwasyon nito. Kanya kanyang labas ng mga cellphone para mavideohan ang ganap kanila Angel at Janine.

"Jen" tawag ko sa pangalan ni Jen na ngayon ay nakatingin din kay Angel ngayon. Ito ata ang ibig sabihin niya sa plano niya. Ang ipahiya ang mga ito sa sarili nilang party.

Tumingi ito sa akin na parang nagtataka at natatakot. "Hindi ako ang may gawa niyan!" Pag a-assure niya sa akin.

"But?"

"That's not my plan Kara, believe me" nabasa ata nito ang nasa isip ko kaya't inunahan na niya akong kombinsihin.

"Then who did?" Naiinis kong tanong dito.

"Ayun." Turo ni Jen sa akin sa isang dereksyon na may tumatakbong dalawang babae na parang pamilyar sa akin.

Sabay kaming tumakbo ni Jen sa dereksyon ng kanilang tinakbohan. Palabas ito sa mansyon nila Angel.

"Tigil" sigaw ko sa mga ito pero parang nang iinis pa sila kasi binilisan pa nila ang takbo nila.

Nasa labas na kami ng gate ng nahabol namin sila or other wise ay huminto ang mga ito at parang hinihintay kami.

My girl is a Mafia!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon