001

15.1K 467 49
                                    

Kasalukuyang rumarampa ang mga kababaihan sa loob ng Mega's Hall kung saan naghahanap sila ng maaaaring maging susunod na modelo sa bago nilang irerelease na magazine tatlong buwan mula ngayon. Kusa na lamang napapailing si Ana ito dahil sa hindi niya makitaan ng potensyal ng pagiging modelo ang mga lumalakad sa harap niya.

"Are you sure that this girl in number six is not a walking bamboo? My gahd!" nangungunsiming bulong nito sa assistant nito habang hinihilot ang sentido. "And yung sa number eight, mukhang busog na busog."

Hindi na lamang nagsalita ang kaniyang assistant upang makaiwas na rin sa maaaring pagsabog ng boss dahil halata ang init ng ulo nito mula pagdating. Muling pinasadahan ng dalaga ang mga babaeng rumampa sa harap niya ngunit ni isa ay wala talaga siyang natipuhan.

"Makakaalis na kayong lahat," walang emosyong sabi nito bago tumalikod at bumaling sa assistant. Bumagsak naman ang balikat ng mga babaeng tiniis ang sakit ng binti dahil sa isang oras na paglalakad habang nakasuot ng sandals na may limang pulgadang taas. "Beauty, call Divine and tell her to come to my office now,"

"Yes, Ma'am Ana."

Matapos sabihin ang utos ay naglakad na ang dalaga palabas ng hall at dumiretso sa office niya sa second floor. Siya na ngayon ang naatasang mamahala ng kompanya dahil komplikado ang sakit ng ina na kailangan ng mahaba-habang pahinga. For the past five months ay hindi bumenta ang modelling agency nila maging ang mga magazine na nai-release nila kaya't kailangan nilang bumawi or else, tuluyan nang babagsak ang kaisa-isang kabuhayan na sinasandalan nila ngayon. Nabigyan na lamang siya ng ilang buwan upang makahanap ng modelo na maaaring makatulong sa muli nilang pag-angat.

Naisip na niyang kumuha ng mga sikat na personalidad upang maging modelo ngunit sa tuwing susubukin niyang kontakin ang mga showbiz personality na pumapasok sa isipan ay lagi naman siyang nauunahan ng kakompitensya din nilang kompanya. Ngayon ay kailangan na niyang mag-isip ng mabisang solusyon para sa problema ng kompanya dahil ayaw din naman niyang hayaang bumagsak ang matagal pinaghirapan ng mga magulang.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay pumasok ang kaibigan ni Ana na kanina lang ay ipinapatawag niya pa sa assistant niya. Dahan-dahan itong lumapit sa dalagang nakaupo sa upuan nito habang paikot-ikot na tila ba sobrang lalim ng iniisip.

"Beauty told me na wala ka nanaman daw nakuha sa set of applicants ngayon?" napairap naman at napabuntong hininga si Ana dahil sa sinabing iyon ng kaibigan. "Ana Karylle naman, isang buwan lang ang ibinigay sa 'yo para makahanap ng model."

"I know, pero hindi naman ako pwedeng basta-basta nalang tumanggap ng babaeng hindi ko nakikitaan ng potential as a model. Pangalan ng kompanya ang nakasalalay dito, Divine." bakas sa boses ni Ana ang takot at panghihinayang sa maaaring kahinatnan ng kompanya nila. "Ayoko namang masayang lang 'tong pinghirapan nila Mama."

Hindi na nagawa pang kumontra ni Divine lalo na't alam naman niyang hindi rin talaga madali ang pressure na pinagdadaanan ni Ana dahil sa bigat ng responsibilidad na naipatong sa mga balikat niya. Ipinatong nito ang mga siko sa lamesa at inginudngod ang mukha sa mga palad.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Divine asked.

"How can I find the perfect model for our magazine?"













Sa isang kalsada sa Tondo, isang lalaking may pusong babae ang naglalakad habang dala-dala ang isang bilao na naglalaman ng turon, banana-cue at maruya. Kaliwa't kanan ang pagsigaw niya ng paninda upang makakuha ng customer. Masarap ang kaniyang paninda ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit maraming bumibili sa kaniya. Likas lang talaga na mga manyak ang mga lalaking nakapalibot sa lugar na iyon. Hindi kasi maikakaila ang ganda ng hubog ng katawan ng binabae, isama pa ang ganda ng mukha nito at blonde na buhok. Kung hindi mo nga siya kilala ay aakalain mong isa siyang tunay na babae.

She's A FeMANineWhere stories live. Discover now