Naalala mo ba?

8 1 0
                                    

••••••••••••••••••••••••••••••••••••
N a a l a l a m o b a ?
p . l
••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Naalala ko noong highschool ako, may nakilala akong tao na nakapagpabago ng buhay ko. Gwapo, matangkad, singkit ang kanyang mga mata at may dimples pa siya, na kinagusto ko. Hindi ko aakalain na darating sa puntong hindi na ko makapag-aral dahil sa kakaisip sa kanya.

Nagdaan ang apat na taon, at senior year na namin. Siya pa rin ang iniisip ko, siya pa rin ang gusto ko. Nasasaktan ako tuwing may nakikita akong kasama siyang iba, mas masakit pa kung alam kong girlfriend niya na, pero ang laging sa isip ko ay magbibreak din yan. Ika nga, walang forever diba? Pero alam ko, ang pag-ibig kong ito ay madadala ko sa aking kamatayan, dahil siya ang first love ko.

Naalala ko pa noong prom, ay nakasayaw ko siya sa isang practice ng cotillion de honor, dahil wala ang kapartner ko. Hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata dahil baka lumambot ang tuhod ko. Lalo na't hinawakan niya ang aking baywang at hindi ko mapigilan mamula, ayokong may humahawak sa parteng iyon pero wala akong magagawa, siya ang humawak doon kaya hinayaan ko na lang siya. Ang nakakatawa pa, nanginginig ang aking mga kamay. Ang lakas ng epekto niya sa akin, na kahit ang boses ko hindi ko na marinig sa sobrang hina nito.

"Grabe ka naman, nanginginig ang kamay mo. Hahaha" sabi niya sa akin.

"Hindi kaya! Ikaw kaya yung naginginig yung kamay" pagsisinungaling ko. Gusto ko na lang hawakan ang kanyang mga kamay, tabihan siya, at kung anu-ano pa basta't makasama ko lang siya, masaya na ko.

Hangang sa umabot ng graduation, hindi ko pa rin nasasabi ang nararamdaman ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na kay tagal ko na pala siyang nagugustuhan.

"I now announce that Batch 2007-2008 are now graduates!" sabi ng ispiker at nagsipalakpakan ang mga tao.

Iba't ibang emosyon ang makikita mo rito, may mga masaya, may lumuluha at iba pa. Naiiyak ako dahil alam kong hindi ko na siya makikita pa, na ang taong mahal ko ay mawawala na sa aking pananaw. Naiiyak din ako dahil napakaraming memorya ang mayroon sa paaralang ito, at ngayo'y aalis na ko.

Pumunta ako sa kanya, binigyan ng souveneir para maalala niya ako, lahat naman ay binigyan ko kaya hindi ako mahahalata. "Gabe, congratulations! Goodluck!" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sinabihan niya rin ako ng congratulations at goodluck.

Lumipas ang mga taon, at isang taon na lang at matatapos ko na ang kursong kinuhanan ko. Nakita ko siya sa isang 7/11 store, kumakain ng cup noodles ng mag-isa. Lumapit ako sa kanya at tinabihan.

"Gabe! Ikaw pala 'yan!" Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kay tagal ko ng hindi nakikita ang ngiting niyan.

"Musta ka na?" Tanong mo sa akin. Tila bang bumalik lahat ng highschool memories ko, at biglang nabuhay ang emosyong kay tagal kong itinago.

"Okay lang naman. Grabe Gabe, saan ka nag-aaral? Ngayon lang kasi nakita dito."

"Sa Letran ako nag-aaral, napadaan lang ako dito" Sinabi ko naman sayo na sa Mapua ako nag-aaral at doon nagsimula ang ating usapan. Nagbigayan ng cellphone numbers at iba pa. Nalaman ko rin na nagdodorm siya malapit rito.

Hindi ko alam kung bakit pero mas lumalalim ang nararamdaman ko sa iyo. Sa mga panahon na magkasama tayo, nakilala ko na rin ang mga kaibigan mo, magulang mo at ang girlfriend mo. Ayan nanaman tayo, nasasaktan ako dahil alam kong kaibigan lang tayo.

Pinakilala mo kay Hiro, na nalaman ko na nagkakagusto sa akin at bilang isang babaeng walang pag-asa sa kanyang minamahal, itinry kong magustuhan rin siya ngunit mas umaapaw pa rin ang pagmamahal ko sa iyo. Nabalitaan kong nagbreak na kayo ni Shaina, nabuhayan ako ng loob nang narinig ko iyon. Lumapit ako sa iyo at cinomfort kita, umiyak ka sa aking tabi dahil niliko ka lang pala ni Shaina. Nagalit ako sa girlfriend mo, pero wala akong magawa dahil di hamak na kaibigan mo lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LeapWhere stories live. Discover now