1

1K 21 0
                                    

RACHEL DAQUIS nakitang kasama ang isang sikat na basketball player

Volleyball star humahaba na umano ang listahan ng mga lalaking nakarelasyon

Isang anak ng politician, umaming naka relasyon si DAQUIS













Hindi makapaniwala si RACHEL sa mga issue tungkol sa kanya, ayaw man niyang pansinin dahil hindi totoo, pero sobra sobra na kasi ang mga salitang pinaparatang sa kanya.

"ATE CHEL, ano bang meron diyan sa phone mo at kanina ka pa nakatitig?"

Tanong ni ABY ng mapansing kanina pa tulala ang kaibigan sa cellphone niya.

"Ah wala. Naglalaro lang ako"

Sagot ni RACHEL.

Hindi naman naniwala si ABY sa sagot ni RACHEL, hindi naman kasi siya bulag para hindi makita na ilang araw ng trending ang kaibigan. Alam niya ang mga issues na pinupukol sa kaibigan, at alam niyang sobra sobra ang epekto nito sa kanya.

Ang buong barkada ay sobra sobra na ang pag aalala, napapansin kasi nila ang pagiging matamlay ni RACHEL, lagi na lang tulala. Natatakot silang baka may masamang mangyari sa kaibigan dahil sa mga malisosyong balita.




































Ilang araw na ang lumipas, ganun pa rin ang intensity ng issue tungkol kay RACHEL. Ginawa ng lahat ng mga kaibigan niya ang alam nilang makakapagpasaya dito pero wala pa rin, sobra sobra kasi ang impact ng issue sa buhay niya.










"Mommy!!!!"

Sigaw ni DEN ng bumisita ito sa training ng ARMY kasama si ALY.

Ngumiti si RACHEL pagkakita sa dalawa, namiss din kasi niya ang mga ito.

"Oh. Napadalaw kayo? Makiki practice din ba kayo?"

Tanong niya sa dalawa. Andun din kasi ang iba nilang mga kaibigan, sila GRETCHEN at FILLE, mga nakikipractice. Kahit daw kasi hindi na sila naglalaro, ayaw nilang mawala ang skills sa paglalaro.

"Ay! Sayang! Wala kaming dalang damit eh. Napadaan lang kasi kami"

Sagot ni ALY na halatang nanghinayang dahil hindi makakapaglaro.




Pero lingid sa kaalaman ni RACHEL, nakaplano talaga ang pagpunta nung apat, inimbitahan sila ni ABY. After kasi ng practice kakausapin nila si RACHEL tungkol sa naisip na plano ni ABY para matigil ang issue sa kanya.

"Nag aya kasi si ALY na mag date kami. Ang problema, hindi pa man din kami nakaka order, pinagkaguluhan na kami, so ayun napadpad kami dito"

Kwento ni DEN para mas mukang makatotohanan ang lahat.

Hindi na lang sumagot si RACHEL, alam niya kasing yun talaga ang mangyayari pag nakita ang dalawa ng mga fans.

"Osige, upo muna kayo diyan. Magstart na kasi ang practice eh"

At umalis na si RACHEL para makisama sa mga teammates niya.


















Ang volleyball lang talaga ang nakakapag alis sa isip ni RACHEL ng lahat ng problema niya. Kapag naglalaro siya, focus ang isip niya sa bola, it's either to save the ball or to spike it, nobody else matters.

















"Sa tingin mo everything will be okay?"

Tanong ni ALY sa girlfriend niya habang nanonood sa laro

BE WITH ME (On Hold)Where stories live. Discover now