1

5 0 0
                                    

May mga bagay talagang sobrang hirap kalimutan kahit sobrang sakit na ng ating naranasan.  Ilang gabi't araw pa ba ang kailangang mag daan para mawala ka sa aking isipan. Ilang Luha pa ba ang kailangang masayang para matanggap ko na ang salitang "tayo" ay kailangan ng kalimutan. Paano na nga ba ang mga bagay na sabay nating pinagplanuhan? Ang mga alaala nating Kay sarap balikan?  Yung mga yakap mong sobrang gaan sa pakiramdam. Yung mga panahong hinahatid mo ko sa paradahan kahit sobrang layo ng lalakaran. Bakit mo nga ba ako iniwan? Bakit mo ko pinag palit sa aking kaibigan? Pati ba ang mga tanong kong ito ay kailangan na ring kalimutan? Siguro oo, dahil ang mga tanong kong to ay wala ng kasagutan. Nandito nanaman ako, sa daang minsan na rin nating sabay nilakaran. Bakit ba parating ito ang aking binabalikan? "Miss sasakay ka ba?" lumigon ako,  yung driver pala ng jeep. "Ah eh di na muna kuya, may hinihintay pa po ako" bakit pa nga ba ako nag hihintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Pagtingin ko sa aking relos, 2:50 pm Napa singhay ako Mali pala ang orasan. "4:50 na ija" napatingin ako Kay manang na nag bebenta ng Mani. "Ah ganun po ba" ngumiti na lang ako at tinali ang aking buhok na naka lugay. "Ija Na papansin ko na ata nitong mga nakaraang linggo  na parati kang may hinihintay" Napa hinga ako ng malalim. " ah parang ganun na nga po"  mukhang marami na atang nakakapansin. "Sino nga ba ang hinihintay mo ija?" di ko alam kung iiwasan ko o sasabihin ko ba ang tungkol satin. "Isang kaibigan lang po - - - - na ni minsan Hindi na dumating" umiling at sasagot na sana si manang pero may bumili pang lalaki. "Alam mo ija, wag mo nang hintayin ang isang taong alam mo sa sarili mo na Hindi na darating" Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Napa upo ako sa silyang inuupuan nya.  Tama sya, tamang tama. Bago pa ako makasagot dinugtungan nya na ang kanyang sinabi. "Minsan may mga bagay na kailangan na lamang kalimutan kahit sobrang laki ng halaga nito saatin. Mas mabuti ng bitawan ito kaysa patuloy pa tayong nag hihintay ng isang bagay na kailan man hinding hindi mangyayari. Patuloy tayong masasaktan kapag di natin ito bibitawan" tumulo na ang luha sa mata ko, di ko alam ang aking sasabihin. Bakit ang hirap nyang kalimutan? Ginagawa ko naman ang lahat. Ngunit Hindi ko parin maalis ang aming mga alala sa aking isipan. Di ko napansin, dumidilim na pala. Inaayos na ni manang ang kanyang mga gamit. "Naku, ija okay ka na ba?" Napahinga ako ng malalim. "Opo, maraming salamat po. Tulungan ko na po kayo".Gabi na nung pauwi na ako. Sobrang dilim pa naman ng aking dadaanan. Habang patawid ako bigla akong natisod at nahulog ang aking mga dala, pinulot ko ito ng dahan dahan. Di ko namalayang may sasakyang  paparating sa aking kinaroroonan ,  di ko na alam ang nangyari pagkatapos ng karahasan pero bago pa ako mawalan ng malay sya ang huling imahe na aking nadatnan. Hawak-Hawak nya ako sa kanyang mga kamay,  at bigla nyang sabi " Nandito lang ako, di na kita iiwan".

AlaalaWhere stories live. Discover now