Introduction

1.5K 46 4
                                    

Gangster Brothers Series #1: R A V E N
Written by: Devilheart24|MarcoReyes

***

"No way! Ayaw ko!"

"Zephie, wala ka ng magagawa! Yun ang huling habilin ng mga magulang mo sa'ki—"

"Ang patirahin sa poder ng pesteng Raven na yun? Like hell!" tuloy ko sa sinabi niya.

"May pinagsamahan naman kayo ng tao di'ba?" kalmado ngunit bakas ang iritasyon sa boses na wika niya.

"Yun na nga eh! Alam mo na palang may pinagsamahan kami Attorney Lacierda! Pero bakit doon pa? Sa gagong gangster pa! Ha!" Habol ang hiningang sigaw ko. "Na ex ko pa talaga??!" Bwisit lang! Nakakaubos ng pasensya. Kakatapos ko lang mag-move on sa pagkamatay ng mga magulang ko. Panibago na namang problema? Nah! Hinding-hindi ako pupunta doon.

Tumayo na ako sa sofa namin at akmang aakyat nung marinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Zephanie Catastropher!" tawag nito sa buong pangalan ko. Huminto ako sandali pero hindi ako lumingon kay Attorney— family lawyer namin.

"Wala ka ng magagawa! Dahil base sa huling habilin ng mga magulang mo, kina-kailangang i-freeze ang lahat ng bank accounts at credit cards mo! At hindi ka nà rin makakatirang muli dito. Dahil ang lupang kinatatayuan ng mansion niyo na 'to, ay sa mga Montillano— kila Mr. Raven," tuloy tuloy na litanya nya, na halos pangarapin ko na ngayon sa utak ko na sana malagutan na siya ng hininga. Salubong ang kilay ko na lumingon sa kanya.

"At.." pabiting sabi ko saka ako tumingin sa mga mata niyang bakas ang takot.

"A-anong at? Miss Zephie?" kabadong litanya nito.

"At sinong tinakot mo?" kalamado ngunit bakas ang awtoridad na sabi ko rito at saka na ako nag-paunang naglakad papunta sa kwarto ko. Pero saktong pagpasok ko palang doon, naramdaman ko na naman ang mga mata kong umiinit at nagsimula na namang manlabo ang paningin ko. Dahilan para mapaupo ako at tuluyan ng umiyak.

***

Author's Note:
Perstaym gumawa ng series! Hahahaha!
Please don't forget to give your feedbacks and votes
Every week ang updates kaya please, walang tanong ng tanong! Nananapak ako! -_-!

Gangster Brothers Series #1: R A V E NWo Geschichten leben. Entdecke jetzt